UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)Chapter 53
Marionne's POV
Kanina pa ako naguguluhan sa kinukwento ni Ate Tintin. Paanong hinarangan sila ni Anthony at sinaktan tapos ngayon ay nasa presinto na??
Me: Ate Tin. Hindi ka namin maintindihan.. Paano nangyaring nasa presinto na si Anthony?
Umiiyak pa din si Ate Tin habang nakatingin kay Jolina..
Tin: Si Jolina.. Si Jolina... *sobs*
Me: Ate Tin. Pinapakaba mo naman kami e.
Tin: Si Jolina.. Umiiyak siya at sumisigaw habang pinagsusuntok niya sila..
Ano???!!! Paanong?
Me: Ate Tin, oo kaya ni Jolina makipaglaban pero impossible naman ata ang sinasabi mo?
Tin: Alam ko, alam ko hindi kayo maniniwala pero kasi kitang kita ko Marionne. Naghalo halo ang mga emosyon niya at kung hindi ko pa siya napigilan kanina ay baka sa ospital pa unang dalhin si Anthony.
Lahat kami ay natulala habang nakatingin sa walang malay na si Jolina.
Des: Pero bakit walang malay si Jolina? Anong nangyari sa kanya?
Tin: Sumigaw sigaw siya habang umiiyak. I try to calm her down pero maya maya ay nawalan siya ng malay. Hindi ko alam ang susunod kong gagawin kaya humingi na lang ako ng tulong at sakto namang napadaan si Manong Guard.
'Jolina.. Ano pa bang kaya mong gawin? Kaya ba hindi mo hinayaan na umalis mag isa si Ate Tin kasi naramdaman mong may mangyayaring ganito?'
Erika: Hindi ako makapaniwala..
CJ: Kahit may nararamdaman siya, ipepwersa niya ang sarili niya para lang maprotektahan tayo..
Napuno nang katahimikan ang buong dorm hanggang sa dumating si Coach Ramil..
CRDJ: Nabalitaan ko ang nangyari.. Tin, ayos ka lang?
Tin: Yes Coach..
CRDJ: Kasama mo daw si Jolina kanina?
Tin: She saved me Coach..
CRDJ: Ano??!
Me: Coach totoo po ang sinabi ni Ate Tin. Nakwento niya na po sa amin.
CRDJ : Huwag kayong mag alala, hawak na nang mga pulis si Anthony pati yung mga kasama niya.
Sa wakas ay nakulong na din ang hayop na yun. Pero hindi pa din namin makuhang sumaya kasi wala pa ding malay si Jolina..
Me: Coach kanina pa walang malay si Jolina. Di kaya kailangan na natin siyang dalhin sa ospital?
CRDJ: Sige. Prepare niyo na ang gamit niya at dadalhin na natin siya sa ospital. Tatawag ako ng ambulansya..
Inayos ko na ang mga gamit ni Jolina dahil hindi din namin alam kung tatagal ba siya doon o hindi..
Sa pag aayos ko nang mga gamit niya ay nakita ko ang isang litratong medyo luma na. May dalawang batang babae na nakangiti ang pinagkaiba nga lang ay ang isa ay nakatingin sa camera at ang isa ay nakatingin sa kasama niya.
'Picture nila Jols at Eya.'
Kitang kita ang saya sa kanilang mga mata lalo na kay Jolina na nakatingin kay Eya.. Pinapahalagahan niya talaga si Eya. Mahal na mahal niya talaga ito kasi kahit bata pa lang sila makikita mo na masaya siya kapag nakikita niyang masaya si Eya.
' Napakaswerte mo Eya, nagkaroon ka ng isang selfless na kaibigan at masasandalan kay Jolina'
Dinala ko na din ang picture para kapag magising man siya ay ito ang ipapakita ko sa kanya. Pagbaba ko ay sakto namang binuhat si Jolina gamit ang stretcher.

BINABASA MO ANG
UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed)
FanfictionTo love someone is to choose one label and to fight for someone is definitely a DAMN GOOD BATTLE