❐ chapter II

170 28 1
                                    

Chapter 2 Arrogant Boss


Maaga akong gumising para pumasok sa Publishing Company ni Lucas. Di ko pa nga sinasabi sa family ko na siya ang boss ko eh. Gosh, Kung di lang malaki ang pasahod sa kanya.






“Congrats Danny! May trabaho ka na rin. Dapat sa first day maayos ka hah. Nga pala ibigay mo to sa boss mo, luto ko yan.” sabi ni Mommy at binigay sakin ang lunchbox. Kung alam lang nila na si Lucas ang boss ko baka di na niya ko papasukin ngayon.





“Sige, My, Dy at Kuya Sam. Alis na ko.” kinuha ko na ang lunchbox at bag saka ako umalis ng bahay. Nakalong-sleeve ako na puti saka coat na black tapos pencil cut skirt at high-heels. Ang taas-taas ng takong parang sa pageant ata ako sasabak eh.






After ng byahe ko papuntang office ay may agad-agad na tumawag sakin. Teka, Bakit unregistered number?





“Hello, Daniella speaking. Sino po sila?”


[Where the hell are you! Akala ko ba personal assistant kita! Nasan ka na ba hah?]



Nilayo ko sa tenga yung cellphone ko. Ang aga-aga nagsisigaw tong Lucas na to'.




“Sir nandito po sa building. Nasan na po ba kayo?”



[Look, Danny! Do you want me to fire you?]




“Okay lang po, Sir.” Kala niya aayaw ako?


[Oh really? Have you forgotten your salary? ]




“Sabi ko nga PO Sir eh. Nasan parte ka ba ng mundo at ang lakas lakas ng tama mo? Hoy! Di bagay sayo magsungit no!”




[How dare you! Go in my office now!]



Ayan pinatayan ako ng telepono!



Agad akong pumunta sa office niyang 16th floor. Makademand akala mo ang lapit ng office. Baka gusto niyang lumipad pa ko.



Hingal na hingal akong umakyat sa office niya. First time ko lang dito no. Andaming pasikot-sikot.





“You're late.” seryoso niyang sabi habang nakatingin sa wrist watch niya. What the hell?






“Sorry ah! Nga pala, Bigay sayo ng nanay ko!” nilagay ko yung lunchbox sa mesa niya. “Malason ka sana.”





Ano?”





“Wala, Sir. Sabi ko happy eating.” Che!



Tumayo siya sa kinauupuan niya at naglakad papunta sa harap ko. “Baka nakakalimutan mo, I'm your boss and you need to obey my orders.”







“I understand, Sir.”




Pagkatapos nun ay ngumuso siya sakin. At parang may tinuturo na kung ano.





“Sir, Di po ako manghuhula.”





“How stupid! That's your desk.”




Napatingin ako sa desk ko na nasa gilid lang ng desk niya. Araw-araw pala kami magkikita ng lalaking to?





“Thank you Sir.”




“Good. Pagtimpla mo ko ng kape.”


“Po?”



“Bingi ka ba? Ang sabi ko pagtimpla mo ko ng kape.”



Love, D #2: Now Or NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon