❐ chapter XXVIII

55 11 0
                                    

Chapter 28 Honey—MOON?

Danny's POV

Napatingin ako sa kanya at kasalukuyan siyang nakangiti. Bwisit! Masaya pa siya sa nangyayari ngayon! Did my parents know about this or kahit si Charlotte man lang?

“You jerk! Stay away from me!”

Tinulak ko siya nang makapasok na kami ng room. Malaki siya pero simple lang. Feeling ko nga nasa probinsya kami. I never know na may nag-eexist na isang place na ganito.

“You heard that girl? Only this room is available! Kung akalang mong lalakarin ko ang Bulacan to Makati para sayo, Mangarap ka ng gising!” he gave me a smirk.

“Ang sama ng ugali mo! Lumayo ka nga sakin! I hate your presence! Napakaarte.” I crossed my arms.

“Sino ba sa kwartong to ang masyadong maarte?”

“IKAW!” I pointed him.

Nilapag niya ang baggage niya sa kama. It's a king size bed but still hindi ako papayag na matulog kami ng magkatabi mamayang gabi. I better sleep on the floor!

“Akin ang kama! Naghanap ka ng higaan mo!” pinaalis ko siya at tinulak papalayo.

“I got here first, Better find a place for you to rest!” diniin niya ang pagkakasabi nun sakin at bumalik sa pag-aayos ng gamit niya.

“Psch! Immature!” binato ko siya ng unan at hinila ang maleta ko.

“Isip bata!” he threw the pillow back to me.

“Bwisit!”

“Maarte!” then he gave me a glare. Ang kapal talaga. Bakit ba ako nandito in the first place?

“Dito ka lang ah! Subukan mo kong sundan!” sinamaan ko siya ng tingin at hinawakan ko ang doorknob.

“At saan ka naman pupunta?”

“Pupuntahan ko yung Chaster! Yung Chaster na humalik sa noo ko kagabi!” 

Ayun! bago pa ako makalabas, hinawakan niya ang doorknob at hinarangan ang pinto. “No! Dito ka lang!”

“Alis!” tinulak ko siya pero ayaw niyang umurong kahit ilang cm man lang. 

“Chaster? That lame guy! Mas gwapo pa ko dun! Mas magaling akong kumanta at humalik doon.”

Then, that makes me blush! Damn him! Ang kapal niya talaga!

“Really? Lumayas ka nga diyan! Aalis na ko.”

“San ka nga pupunta?”

“Ano bang pakialam mo? It's my life kaya wala kang magagawa.”

But you're mine and you can't do anything about it!”  then I get speechless. Whatever!

//

Magkahiwalay kami ni Lucas ng pwesto. Siya sa bintana ako sa sofa. First of all, wala ako sa mood mag-swimming. There's no wifi, signal, my phone's not working. Ang only choice ko nalang ay mag-usap kami para di boring. Argh!

Wake up Danny! You need to lower your pride! Ikaw naman talaga ang may kasalanan kung bakit siya nagalit.


Sinilip ko siya sa bintana at para siyang ewan na nakatingin dun. Nasa terrace siya. Para siyang tangang nakatulala.


“Oyy!” I called him pero tinarayan niya ko.


“Doon ka na sa Chaster mo!” he gave me a bored look. Ugh! Ang seloso niya talaga kahit kailan.


Love, D #2: Now Or NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon