❐ chapter LIII (Fifty-Three)

69 14 0
                                    

Chapter Fifty-Three

Present

Danny's POV

Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko? Ilang ulit pa bang uulitin, o giliw ko?”

Napatingin ako kay Chaster na nasa likod ko na nag-gigitara sa likod. Isang linggo na ang nakalipas simula nung kinasal si Lucas. Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko. I know he's busy. But seeing him already married is killing me. . .

Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa'yo. 'Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko.”

“Chaster, Manahimik ka nga diyan! Lalo mo kong iniinis eh!” sita ko sa kanya. Nandito na ulit ako sa dorm namin. Pinagpatuloy ko nalang ulit ang pagmama-masters ko kaysa isipin ang magulang sitwasyon namin ni Lucas.

Arte mo! Kinakantahan ka na nga eh.”

“Di ka nakakatulong!”

“Eh Danny naman kasi, How many do I have to tell you to move on? Masyado kang martir diyan!”

Dahil doon ay nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko. Ang dami kaya naming moments ni Bee tapos kakasal lang siya sa Celestine na yon'?Napatingin sa'kin si Chaster at kinuha ulit ang gitara niya.

Umiiyak ka na naman. Langhiya talaga wala ka ng ibang alam.”

Isa, Hindi ka titigil?!”

Namumugtong mga mata. .”

“Ack! Sabing tumigil ka!” tinulak ko siya gamit ang unan pero hindi niya yun nasalo. Nasa ibabaw na niya ako at nakayakap siya sa'kin.

“Danny, Chansing ka hah! Kiss mo ko dali!”

“Gago!” tumayo ako at hinampas ko siya ng unan. Kapal nito. Masyadong mahangin.

“Isipin mo Danny ah, Gwapo naman ako, Flores din ang apilyedo. Bakit di nalang ako ang ipalit mo kay Lucas?”

“Joke ba yon, Chaster?” tinaas ko ang kilay ko.

“Pwede?” nakatingin siya sa mga mata ko at ako naman ay sobrang sama ng tingin ko sa kanya. “Oo na, DanDan. Joke lang!”

“Dandan ka jan!” asik ko. Yun kaya ang tawag ni Lucas sa akin dati. DanDan with heart sa dulo.

The tension between us changed when his phone rang. Nakamusic ba naman ang notication ringtone! Binuksan niya ang phone niya at tumayo siya sa sofa.

“Tss, Kung siniswerte ka nga naman, Danny! May company ball kami in few days. Sama ka?”

“Hah? Bakit ako?”

“Nandoon lang naman ang bubuyog mo! For sure, a-attend yun.”

“Weh? Ano bang ball yan? Pwede ba ko dun?” agad kong sinilip ang phone ni Chaster at binasa ang details.

“Uy! Pwede daw magsama ng date oh! Sama mo ko dali!” I said excitedly.

“Date kita? Ayoko nga!”

“Ihh, Sige na! Ayaw mo yun may date kang maganda.” nagpacute ako sa kanya at nag-beautiful eyes.

“Okay, Oo na! Basta wag kang magulo! Behave ka lang!” sabi niya pagkatapos huminga ng malalim.

“Opo, KUYA Chaster! Yieee kaya luv kita eh.” siniko ko ang braso niya at binatukan.

“Love mo ko?” kunot-noong tanong niya.

Love, D #2: Now Or NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon