❐ chapter IV

138 26 1
                                    

Chapter IV

Nandito na ako ngayon sa office ng Mr. Publisher na yon! 1st day ko sa trabaho, napaka harsh niya. Resign unless I told you to daw. Nahihibang na ata.

“Miss Torres, Get—I mean—Argh! Kunin mo ang mga yan at ilagay mo dito.” sinamaan niya ko ng tingin. Nakakapanibago si Lucas nagtatagalog na siya for real. Ang Trying hard!


“Fine, Sir.” binigay ko sa kanya ang hinihingi niya. Nga pala mayroon rin siyang proposal, Ako mag-eenglish siya magtatagalog. Bwisit.


“Miss Torres.” binatukan ko siya. English kaya ang Miss.

“Edi Binibining Torres!”


“That's good!”

“Sumama ka sakin. Papakilala kita sa mga kaoffice work mo! Pasalamat ka mabait ako.” tumayo siya sa kinauupuan niya at naglakad papunta sakin.

“Really? You're kind, Sir? I thought you're the first cousin of Lucifer.”

“Shut u—Manahimik ka!” sinamaan niya ko ng tingin at lumabas kami ng office niya. Finally, ipapakilala na niya rin ko. Taray no?

“Oh! Ayan sila! Ang editor, proofreader, graphic designer, layouter at printer.” sabi ni Lucas at tinuro ang mga taong yun. Napatayo sila lahat at binati si Lucas.

“Good Morning, Sir.”



“You speak English earlier but I let this one pass.” iritang sabi ko sa kanya.


“Bakit alam mo ba ang tagalog nun? Tangang bubuyog. Psch.”


Mas harsh pala pag tagalog no? Mas prefer ko ang stupid bee niya kaysa sa tangang bubuyog.

“Hi I'm Daniella Irish Torres. Call me Danny. The new Assistant Publisher of Lu—I mean Mr. Flores.” yumuko ako at binati sila.


“Makipag-usap ka sa mga yan tapos bumalik ka na sa trabaho mo. Limang minuto lang.”


Iniwan ako ni Lucas at pumasok na siya sa opisina niya. Agad naman lumapit sakin ang mga empleyado. Gosh! Napaka-friendly nila tapos napakasungit ng boss!

“Danny, girl! Ako si Mia! Proofreader dito. Paano mo natiisan si Sir? Ang sungit sungit niyan. Lahat ata kami takot sa kanya.” pakilala ng isa.

“Alam mo bang pag di mo sinunod ang utos ni Sir kahit isang beses ifa-fire ka na niya agad.” sabi naman nung isang babae. What the heck? Ganun na talaga si Lucas?

“Ikaw lang naman 15th assistant ni Sir dito. Yung iba isang linggo lang o 3 araw lang.”

“Hah? Bakit naman? Ang sungit naman niya! Alam niyo ba kung bakit?” tanong ko. Pwede na naman siguro ako magtagalog. Wala naman si Lucas eh.


“As what I heard, Broken hearted parin si Sir. Nagbreak kasi sila ng girlfriend niya four years or three years ago dati kaya naging masungit siya at PMS.”


“Talaga?” kunot-noong tanong ko.


“Ah basta! Mamaya na natin pag-usapan after work! Welcome Party tayo. I'm Kisses nga pala. Nice to meet you!” sabi naman nung isang babae. Pumayag na rin ako at bumalik na sa opisina. Nandoon si Lucas nakaupo at ansama ng tingin sakin.


“Ah Sir, Do we need na mag-overtime later? There's a welcome party for me. I think I need to attend that.” 



“Miss Torres, Are you sure—Argh! I mean sigurado ka ba na makikiparty ka pa sa lagay na to?” tinuro niya ang makakapal na papel sa lamesa niya.


Love, D #2: Now Or NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon