Chapter 2

115 31 25
                                    

Chapter 2

MATHEO'S POV

Papasok ako ngayon sa isang Restaurant kung saan kami magkikita ni Blaire. Ang girlfriend ko at three years na kami hanggang ngayon.

Lumapad ang ngiti ko nang papalapit na ako sa table niya kung saan siya nakapuwesto.

"Hi, babe." Bati ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

Nagtaka ako kung bakit wala man lang ekspresyon ang mukha niya nang makita ako. Hindi ko nalang iyon pinansin at umupo sa kaharap niyang upuan.

"Ang tagal mo." Seryoso niyang sabi.

"I'm really sorry, babe. Sobrang traffic lang kaya nahuli ako ng dating. Order na tayo?" Umiling siya.

"No, ayos lang. Hindi rin naman ako magtatagal dito." Malamig niyang sabi.

"Why? What's the problem?" Kunot noo kong tanong.

"I have something important to tell you, Matheo." Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya.

"W-what is it?" Napayuko siya.

"Let's break up." Hindi ako makagalaw sa sinabi niya.

"Bakit? Anong dahilan mo at bakit--"

"Kasi ayaw ko na. Sawa na ako sa relasyon natin. Hindi na ako masaya na kasama ka at naglaho na ang pagmamahal ko sa'yo, Matheo." Seryoso niyang sabi.

"Teka, pwede naman nating ibalik 'yung saya. It'll comeback unless you won't give up on us, Blaire." Hinawakan ko ang kamay niya pero inalis niya ito.

"Kaya nga ako nandito sa harapan mo ngayon dahil susuko na ako. Ayaw ko ng patagalin pa ang relasyon na'to." Napailing ako.

"No, hindi ako papayag! Please, Blaire just give me a second chance. I'll promise to make our relationship happier." Pagmamakaawa ko.

"It's over, Matheo. Hindi na 'yun mababalik pa."

Tumahimik nalang ako at hindi na siya kinulit pa. Desisyon na niya na iwan ako. Tatlong taon kaming magkasama tapos sasabihin niya lang na hindi na siya masaya. Ang daming bumabagabag na mga tanong sa aking isipan kung kailan, saan at ano ang dahilan kung bakit hindi na siya masaya.

Gusto ko siyang hawakan at yakapin pero hindi ko magawa dahil nanghihina ako sa lahat ng mga sinasabi niya.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at agad umalis habang ako ay naiwan dito na hindi makagalaw dahil sa nangyari.

Blaire is my first love. Yes, she is. And I thought iba siya sa mga babaeng nakilala ko pero pareho lang sila. I realize na wala sa tagal ng taon mababase ang pagmamahal niyo sa isa't-isa kasi kahit matagal na kayo, may nagsasawa parin at susuko nalang.

I was hopeless and that's because of her.

Pagdating ko ng parking lot, pumasok ako sa kotse at agad pinaandar iyon. Wala na ako sa sarili ko at ang binilisan ko pa ang pagtakbo ng sasakyan. Nagulat nalang ako nang may biglang humarang na babae sa dinaanan ko. Mabuti nalang at naapakan ko kaagad ang break ng sasakyan kaya napahinto ito.

Lumabas ako ng kotse para makita ang babae kung ayos lang ba siya at hindi ba siya nasugatan. Nakita ko namang ayos lang siya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Magpapakamatay kaba ha?!" Inis kong sabi.

"Ako ba tinatanong mo?" Napailing ako sa sinabi niya.

Tanga rin siya eh. Sino pa bang ibang taong andito eh, kami lang naman.

"Are you crazy? Ikaw lang naman ang muntik kong masagasaan diba?!" Inis kong sabi.

"Kasalanan ko ba kung nakaharang ka sa daan?" Taas kilay niyang sabi.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon