Chapter 3
Tumayo ako sa kinababagsakan ko galing sa sahig at hinarap si tanda. Sinamaan ko siya ng tingin habang siya naman ay hindi makapagpigil sa pagtawa. Para siyang masayahing kalabaw.
"Miss, are you okay?" Rinig kong sabi ng isang lalake na lumapit saamin.
Hinarap ko ang lalake at siya si Luke Adelson. Ang kapatid ni Matheo Adelson. Ito na yata ang pinaka masamang araw sa lahat ng araw. Ang makita ang dalawang magkakapatid. Actually, apat daw silang magkakapatid pero hindi ko pa nakita ang iba. Siguro, pareho silang lahat mayabang katulad ni tanda.
"Sa tingin mo magiging maayos ako sa ginawa ng matandang ito!" Sabi ko sabay turo kay Matheo.
"Hoy, manang! Kasalanan ko bang tatanga-tanga ka diyan kaya nadulas ka sa natapon kong juice?" Nakuha pa niyang ngumisi.
"Kasi sinadya mo naman talaga diba? 'Yun lang ba ang iganti mo saakin? Eh, umatras ka nga kahapon nang hinamon kita ng suntukan!" Napawi ang ngiti niya nang marinig lahat ng tao dito ang sinabi ko.
Ako naman ngayon ang nakangiti dahil parang napahiya ko siya sa sinabi ko. Hindi niya yata alam kung sinong binabangga niya. Kahit badboy pa siya dito, wala akong pakialam. Hindi niya kaya matatalo ang babaeng na kick-out na sa bente singkong skwelahan.
"Guys, enough! Mabuti pa ayusin mo nalang ang sarili mo, Miss. Basang-basa kana oh." Sabi ni Luke saakin.
"Ganu'n naman talaga ang gagawin ko ngayon." Sungit kong sabi.
"Sorry, manang ha? Ang lagkit mo tuloy." Tumawa na naman siya ulit.
Nginisian ko nalang siya at umalis na sa harapan niya. Bahala siyang magsaya ngayon. Makakaganti rin naman ako sa kanya.
Just wait a minute, tanda. Magugulat ka nalang talaga.
Pagdating ko ng restroom, agad akong nagpalit ng damit. Mabuti nalang talaga at may extra pa akong damit sa locker kaya hindi ako mangangamoy panis ngayon.
Humanda ka talaga saakin Matheo. Akala mo siguro hindi ako makakaganti.
Pagkatapos kong magbihis, inilagay ko sa bag ang nabasa kong damit. At paglabas ko, napahinto nalang ako nang makita ko si Luke na nakasandal sa pader.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad. Baka may hinintay lang siyang babae sa loob kaya nakatayo siya diyan.
"Sandali!" Napatigil ako at hinarap si Luke.
Napakibit balikat nalang ako habang naglalakad siya papalapit saakin.
"Anong kailangan mo?" Walang ekspresyon kong sabi.
"I just wanna say sorry about what happened earlier." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.
"Siraulo ba talaga kayong magkakapatid?" Nabigla siya sa sinabi ko. "Alam mo namang hindi mo kasalanan na nadulas ako kanina sa sahig pero bakit humihingi ka ng tawad saakin?"
"K-kasi... Hindi ugali ni Matheo na humingi ng tawad sa mga ginagawa niyang kalokohan. Kaya ako nalang ang hihingi ng tawad sa'yo kasi kuya ko siya." Napayuko siya.
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil sa ginawa ng kapatid mo saakin. Hayaan mo siya, hindi ko naman siya aatrasan kung gusto niya talagang makipag-asaran." Tinalukuran ko nalang siya at akmang aalis na sana pero nagsalita siya ulit.
"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Napangiti ako sa sinabi niya.
"I am Zayna Channells. Kilala na kita kaya 'wag kanang magpakilala pa." Umalis ako kaagad at hindi na siya nilingon pa.
BINABASA MO ANG
Hopeless Wife
Romance[COMPLETE] Warning: Spg Zayna Channells, ang babaeng may pagkatigasin ng ulo na ipagkakasundo ng Daddy niya sa lalakeng kinaiinisan niya para matigil ang lahat ng kalokohang ginagawa niya. Matutunan kaya nilang magmahal sa Isa't-isa kung gayu'y pare...