Chapter 13
Tahimik lang kami ni Matheo habang kumakain. Niisa walang nagsasalita at kubyertos lang ang maririnig. Ganito naman talaga ang nangyayari palagi kapag kumakain kami. Maliban nalang kung may sasabihin siya saakin o ako.
Nakailang subo palang ako sa pagkain, natapos na kaagad si Matheo. Ang bilis niyang kumain parang balewala lang 'yung isang pinggan na kinain niya habang ako ay kalahati lang pero nahihirapan pang ubusin.
"Ganyan kaba talaga kumain?" Kibit balikat niyang sabi habang tinitingnan akong kumain.
"Bakit ba? Ano bang problema mo sa pag kain ko ha?" Umiling siya at ngumiti.
"Kaya ka hindi tumataba kasi ang liit ng kinakain mo." Padabog kong nilagay ang hawak kong tinidor sa mesa.
"Huwag ka ngang judgmental. Hinusgahan ba kita kung matakaw kang kumain?" Taas kilay kong sabi.
"Concern lang ako sa'yo kasi gusto kong tumaba ka." Napailing ako sa sinabi niya.
Ayan na naman siya sa pa concern-concern niya eh.
"So, gusto mo talaga akong maging lusyang ganu'n?" Bigla siyang natawa.
"I mean, chubby lang. Hindi naman lahat ng chubby ay lusyang na. Mas maganda lang talaga sila tingnan dahil mas ano sila..." Napahinto siya.
"Dahil ano?" Taas kilay kong sabi.
"Nevermind." Ngisi niyang sabi.
Eto na naman siya, umaandar na naman yata ang pagka-malibog niya. Hayy naku, mga lalake talaga kahit nahuli na hahanap parin ng paraan para makalusot.
"Dalian mo diyan, hihintayin kita sa labas." Aniya sabay tayo sa kinauupuan niya.
Napanguso nalang ako at bumalik sa pag kain. Hindi naman nagtagal natapos din ako at si Manang na ang kumuha ng bag ko sa itaas para ibigay saakin kasi nagmamadali na si Matheo.
Ang gulo niya talaga minsan kasi kanina pa ako curious kung saan kami pupunta pero hindi niya parin ako sinasagot.
Paglabas ko ng mansion, nakita ko si Matheo na nakasandal sa gilid ng kotse niya habang nagyoyosi. Ngayon ko lang siya nakita na nagyoyosi pala siya.
Ibinuga niya ang usok ng sigarilyo bago bumaling ang tingin niya saakin. Ang gwapo niya pero nakakapangit 'yung pagyoyosi niya. Sobrang yabang niyang tingnan.
Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at deretsong pumasok sa loob ng kotse niya. Pagpasok ko, pumasok narin siya sa driver seat. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na tumingin siya saakin. Napatakip pa ako sa ilong ko dahil ang baho niya ng sigarilyo.
"You okay?" Tanong niya.
"Hinding-hindi ako magiging okay kung maaamoy ko ang baho ng usok ng sigarilyo." Reklamo ko. Tumawa naman siya.
"Ang arte mo." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit kaba kasi nagyoyosi, alam mo naman na ang baho." Inis kong sabi.
"Ngayon ko lang ulit 'to ginawa, Manang. Ano naman sa'yo kung nagyoyosi ako?" Taas kilay niyang sabi.
"Ewan ko sa'yo!" Umiwas nalang ako sa kanya.
Narinig kong huminga siya ng malalim at binuksan ang pintuan para lumabas. Nagtaka naman ako kung bakit bumalik siya sa loob ng mansion. Akala ko ba aalis na kami pero bakit siya bumalik.
Hindi nalang ako bumaba dahil baka may kinuha lang siya sa loob. Hindi rin naman nagtagal bumalik na siya at nagbihis pa ng damit. Pagpasok niya sa loob, nawala na 'yung baho ng usok ng sigarilyo at nakahinga narin ako ng maluwag.
BINABASA MO ANG
Hopeless Wife
Romance[COMPLETE] Warning: Spg Zayna Channells, ang babaeng may pagkatigasin ng ulo na ipagkakasundo ng Daddy niya sa lalakeng kinaiinisan niya para matigil ang lahat ng kalokohang ginagawa niya. Matutunan kaya nilang magmahal sa Isa't-isa kung gayu'y pare...