Chapter 15
Nagising ako ng hating gabi nang biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Matheo na gumigiwang na sa paglalakad papunta dito sa kama. Dali-dali ko siyang nilapitan para alalayan at inakbay ang braso niya sa balikat ko.
"Ano bang nangyare sa'yo at bakit ka nagpakalasing ha?" Reklamo ko.
Hindi kami makalakad ng maayos dahil lasing siya at ang bigat pa niya. Pagiwang-giwang parin ang lakad namin hanggang sa nahiga kaming dalawa sa kama.
Nakapaibabaw ako sa katawan niya habang nakayakap siya saakin. Naamoy ko ang ininom niyang alak at ang usok ng sigarilyo sa bibig niya.
Akmang aalis na sana ako sa ibabaw niya nang mas hinigpitan pa niya ang pagyakap saakin kaya hindi ako masyadong makagalaw sa ginagawa niya.
"I-I'm s-sorry." Lasing niyang sabi.
"S-sorry saan?" Sinubukan kong sagutin siya.
"I'm sorry." Aniya ulit.
Huminga nalang ako ng malalim at kumalas sa pagyakap niya. Lasing lang siya kaya hindi ko alam kung anong pinagsasabi niyang sorry.
"Blaire." Napatigil ako at nilingon siya nang marinig kong binanggit niya ang pangalang iyon.
"Please stay, Blaire." Mahina niyang sabi.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang marinig ko ang sinabi niya. Alam kong lasing lang siya kaya niya nasabi 'yun pero masakit parin isipin na ibang babae parin pala ang iniisip niya kahit ako ang kasama niya.
Hindi ko naman siya masisisi kung hindi niya makakalimutan ang una niyang minahal dahil napilitan lang naman siya na ipapakasal saakin.
Huminga ako ng malalim at humiga sa kama na malayo sa kanya. Binalot ko ulit ang katawan ko ng kumot mahigpit na niyakap ito kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.
Kinaumagahan, ganu'n parin ang nangyari. Ang nag-iba lang ay hindi na muli kaming nagkausap pa. Parang hangin nalang ang turing namin sa isa't-isa. Sabay kaming pumapasok sa school at alam narin ng buong campus na engage na kami pero kahit ganu'n paman, may mga babae paring umaaligid sa kanya at hindi 'yun nagbago. Hinayaan ko nalang siya kung 'yun naman ang makapagpasaya sa kanya talaga.
Minsan nga, nakakaasar dahil may mga babae rin na ako pa talaga ang inuutusan nila para ibigay 'yung regalo nila para kay Matheo kahit alam naman nilang fiance niya ako. Nang-iinis talaga 'yung mga tao pero tinatanggap ko parin at tinatapon lang ito sa basurahan para makaganti narin.
Palagi kong nakakasama 'yung mga kapatid niya kapag lunch at free time. Mas gusto ko kasing kasama sila instead of Matheo kasi nakikisabay sila sa kung anong trip ko. Hindi tulad ni Matheo na sobrang kill joy.
At ngayon, kasama ko si Matheo dahil uuwi na kami sa bahay. Araw-araw naman kaming magkasama kapag papunta at pauwi na. Kahit minsan lang kami nagpapansinan, nagawa niya parin akong hintayin para umuwi.
"Ano na naman bang kalokohan ang ginawa niyo kanina, Zayna?" Seryoso niyang tanong habang nasa loob kami ng kotse niya.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Walang ekspresyon kong sabi habang nginunguya ang kinain kong bubble gum.
"I heard na may ginawa kayong kalokohan sa kabilang building kasama ang mga kapatid ko." Napatingin ako sa kanya.
"Ah, 'yun ba? Ginantihan lang naman namin 'yung mga kolokoy na freshmen na 'yun." Sabi ko sabay palobo ng bubble gum sa harap ni Matheo.
May naghamon kasi kanina na grupo ng mga lalake na mga freshmen pa dito at nakakatawa dahil ang mga kapatid pa talaga ni Matheo ang hinahamon nila. Hindi ata nila alam kung sinong binabangga ng mga kolokoy na 'yun kaya sinugod namin sa building nila para turuan sila ng leksyon kaya takot na tuloy silang magpakita saamin.
BINABASA MO ANG
Hopeless Wife
Romance[COMPLETE] Warning: Spg Zayna Channells, ang babaeng may pagkatigasin ng ulo na ipagkakasundo ng Daddy niya sa lalakeng kinaiinisan niya para matigil ang lahat ng kalokohang ginagawa niya. Matutunan kaya nilang magmahal sa Isa't-isa kung gayu'y pare...