Chapter 39

56 9 10
                                    

Chapter 39

Nakaimpake na lahat ng gamit na dadalhin namin ni Matheo papuntang probinsya. Marami-rami rin ang dinala namin dahil three days kaming mag-stay. Nagpabook narin si Matheo ng isang room sa isang resort du'n para sa tutuluyan namin.

"Ma'am, mag-ingat po kayo du'n ha?" Sabi ki Manang at sinabayan ako maglakad palabas.

"Yes, Manang. Kayo rin, ingatan niyo ang sarili niyo dito." Napangiti siya sa sinabi ko.

"Ang bait niyo parin talaga saamin, Ma'am. Hindi parin kayo nagbabago." Nginitian ko siya.

"Naku, Manang. Wala namang rason para magalit ako sainyo." Nilapitan ako ni Matheo at kinuha ang bagahe na dala ko para ilagay sa likod ng kotse.

"Wala na ba kayong naiwan, Ma'am?" Tanong niya.

"Wala na, Manang." Tumango siya.

"Let's go?" Bumaling ang tingin ko kay Matheo saglit.

Niyakap ko si Manang bago ako pumasok sa loob ng kotse. Habang nasa loob ako, kinausap muna ni Matheo si Manang bago ito pumasok sa driver's seat.

"Anong pinag-usapan niyo ni Manang?" Tanong ko. Tumingin siya saakin pero ngumiti lang ito at hinawakan ang kamay ko.

Pinaandar na niya ang kotse at agad pinaharurot. Medyo malayo-layo rin ang byahe namin kaya natulog muna ako kasi kailangan ko ng energy para makapag-enjoy naman ako mamaya pagdating namin.

Hindi nagtagal, nakarating na kami sa aming destinasyon. Nagising nalang ako nang makaramdam akong may tumititig saakin. Kaya sa pagdilat ng mga mata ko, bumungad agad saakin ang mukha ni Matheo na nakangiti. Nasa labas siya ng kotse at nakabukas ang pinto sa gilid para hintayin niya akong magising. Hinalikan naman niya ako sandali sa labi ko.

"Kumusta ang tulog mo?" Aniya. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko. "Bumaba kana. Pumasok na tayo sa loob."

"Gusto ko pang matulog." Narinig ko siyang ngumisi.

"Halika na, andito na tayo." Pinipilit niya akong hilain ng konti.

"Mamaya na nga eh, inaantok pa ako." Tumigil siya sa pangungulit.

Akala ko hinayaan na niya akong matulog dito pero nagulat nalang ako nang bigla niya akong kinarga na parang bride niya at nilabas dito sa kotse.

"Matheo, ano bang ginagawa mo? Ibaba mo nga ako!" Reklamo ko pero hindi niya ako pinakinggan. "Matheo, ano ba!" Sinapak ko pa siya.

Nagpupumilit ako pero para siyang bingi. Nakakahiya na kasi ang dami ng nakatingin saaming tao. 'Yung iba nagtataka at ang iba naman ay kinukunan kami ng video at kinikilig pa. Hayy naku, hindi na ako magtataka kung ganito dahil probinsya 'to.

"Hindi mo ako pinakinggan kaya 'wag mo akong pigilan ngayon." Napanganga ako sa sinabi niya. Nakuha pa niya akong ngitian.

"Matheo, ang daming tumitingin saating tao!" Inis kong bulong sa kanya.

"Ano ngayon? Naiinggit lang sila." Napailing nalang ako.

Baliw na talaga siya. Tumigil sa paglalakad si Matheo nang makaabot na kami sa isang kwarto. Kinuha niya 'yung susi at medyo nahirapan siya sa pagbukas nu'n dahil karga niya ako pero hindi niya parin ako binitawan at pilit na binuksan ang pinto para makapasok na kami.

Pagpasok namin, deretso niya akong hiniga sa kama. Napapikit ako nang hinalikan niya ako sa noo. Idinilat ko naman agad nang kumalas siya saakin.

"Matulog kana." Aniya. "Gigisingin nalang ulit kita kapag nakahanda na 'yung pagkain." Ngumiti ako at tinanguan siya.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon