Chapter 26

62 10 6
                                    

Chapter 26

Pagdilat ng aking mga mata, bumungad kaagad ang paningin ko sa isang doktor na nag-aasikaso saakin. Nagtataka nalang ako kung bakit hindi ko kabisado kung nasaan ako dahil hindi ito ang bahay namin ni Matheo o kay Daddy.

Ang naalala ko ay nasa kwarto ako ni Daddy habang binabasa 'yung sulat niya at pagkatapos, bigla nalang akong mahilo at nawalan ng malay.

Pagkatapos ng doktor sa pag-check ng heartbeat ko, kasabay rin ang pagbukas ng pintuan at nakita ko si Luke.

"Nasaan ako?" Lumapit si Luke saakin at umupo sa gilid ng kama.

"Dinala kita dito sa hotel. Nakita kong may dala kang maleta kaya alam kong naglayas ka sa bahay ninyo. Dinala kita dito dahil panigurado na pupuntahan ka ni Matheo sa bahay ng Daddy mo." Umiwas ako ng tingin sa kanya. At bigla nalang may tumulo na luha saaking mata.

"Ano bang nangyare, bakit ako nahimatay?" Tanong ko.

"Zayna, you're pregnant." Napatingin ako sa kanya at nagulat.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. Ngayon alam ko na kung bakit may doktor dito at kung bakit ako nahilo kanina.

"Tell me what happened? Bakit ka umalis sa bahay niyo, Zayna?" Kunot noo niyang tanong.

"You're brother cheated on me." Walang ekspresyon kong sabi.

"Seriously?" Pagtatakang sabi niya.

"Luke, mahal niya pa si Blaire." Sabi ko habang humihikbi sa pag-iyak.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko at naguguluhan ang reaksyon niya sa kaniyang mukha.

"Walang hiya talaga si Matheo. Paano niya nagawang ipagpalit ka sa babaeng malandi na 'yun." Pagpigil na galit na sabi ni Luke.

"Luke, sabihin mo saakin. Mali parin ba 'yung naging desisyon ko? Mali ba na iniwan ko siya kasi nasasaktan ako?" Tumingin siya saakin ng seryoso.

"Zayna, naiintindihan kita. Pero paano na ngayong magkakaanak na kayong dalawa?" Iniwasan ko siya ng tingin.

Patuloy parin ang pag-agos ng luha sa mga mata ko habang iniisip ang lahat na nangyari. Mas lalo akong mahihirapan nito kapag wala si Matheo pero mas masakit kapag babalik ako sa kanya. Masakit na magbubuntis ako sa anak ko habang siya ay naglalandi sa ibang babae.

"Ayaw ko ng bumalik sa kanya pa. Sapat na lahat ng sakit para iiwan ko siya." Aniko.

"Zayna, mahihirapan ka kapag pinalaki mo ang anak niyong mag-isa. Hindi sa kinakampihan ko ang kapatid ko pero inaalala ko lang ang sarili mo." Pag-alala niyang sabi.

"Luke, mas masasaktan lang ako kapag kasama ko siya. Hindi lang ako, pati narin ang dinadala ko." Seryoso kong sabi.

Napayuko nalang siya at hinawakan ang isa kong kamay.

Hindi naman sa ipagkakait ko 'yung magiging anak namin pero kailangan ko lang na mapag-isa. Kailangan ko muna ng oras para sa sarili ko para ayusin ang nabiyak kong puso.

"Mamaya na 'yung flight ko papuntang New York. Kailangan ko pang mag-empaki. Tatawagan ko nalang si Winzy para may kasama ka dito." Aniya at hinalikan ang kamay ko.

Tumayo na siya sa kinauupuan niya at naglakad papuntang pintuan. Akamang lalabas na sana siya pero muli akong nagsalita at tinawag siya.

"Luke, sasama ako sa'yo." Dahan-dahan siyang humarap saakin. "Please, Luke. Pagbigyan mo na ako dahil ayaw kong manatili pa dito."

"Paano si Matheo?" Kunot noo niyang tanong.

"Wala na akong pakialam sa kanya. Maghabol siya kung gusto niyang maghabol pero hindi ko hahayaan na maabutan niya ako." Sagot ko.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon