Chapter 11

59 16 10
                                    

Chapter 11

ZAYNA'S POV

Papunta na kami ngayon sa venue kung saan magaganap ang engagment party namin ni Matheo. Magkasama kami ni Matheo ngayon sa isang sasakyan.

Sa pagkakaalam ko, 'yung iba hinihiwalay nila ang couples kapag may nagaganap na ganito. Ewan ko lang kung bakit kaming dalawa ni Matheo ay parang normal lang.

Siguro, pinanindigan lang talaga ng mga magulang namin ang sinasabi nilang getting to know each other. Pero kahit ganu'n wala parin namang nagbabago hanggang ngayon.

Pagdating namin, pinarada ng driver ang sasakyan sa tapat ng hotel. Five star hotel ito na sikat dito sa lugar namin. Marami narin palang mga klase-klaseng bisita na pumasok including the media, their business partners at iba malapit na kaibigan namin ni Matheo.

Well, hindi na ako magtataka pagkatapos nito dahil trending na naman ito sa social media. At malalaman narin ng buong school na engage na kami ni Matheo.

Bakit hindi pa kasi private ang event na'to.

Unang lumabas si Matheo at pagkatapos inalalayan niya ako. Nagdadalawang-isip pa sana akong tanggapin 'yung kamay niya pero wala akong magagawa dahil nasa public place kami. Ayaw ko rin naman siyang mapahiya nang dahil lang saakin.

"Just relax, Manang." Bulong ni Matheo habang kinukunan kami ng picture.

"I'm not nervous." Walang ekspresyon kong sagot.

"Nanlalamig ka." Tiningnan ko siya.

"Can you just please shut up." Napangiti lang siya at tumahimik na.

Totoo naman talaga na ninerbyos ako pero hindi ko lang talaga pinapahalata.

Hindi pa kami nakarating sa loob, sinalubong kaagad kami ng isang babae na magdadala raw saamin sa likod. Hindi pa raw kasi dapat kami magpapakita sa mga bisita dahil mamaya pa raw kapag magsisimula na ang ceremony.

Kalahating oras din kaming nag-aantay ni Matheo dito sa back stage bago nagsalita ang host ngayong gabi. Habang patuloy siya sa pagsalita, mas lumalakas ang pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag kaharap ko na ang maraming tao.

Sobrang weird talaga kasi hindi ito unang beses na humarap ako sa maraming tao pero ngayon lang ako nakaramdam ng kaba.

Naestatuwa ako nang biglang mahigpit na hinawakan ni Matheo ang kamay ko. Bumaling ang tingin ko sa kanya at kita ko ang napakaamo niyang mukha na nakatitig saakin.

"Calm down, Zayna. Alam kong kinakabahan ka but you have to relax." Mapakumbaba niyang sabi.

Umiwas ako ng tingin sa kanya tumango nalang.

"Salamat sa paalala mo pero hindi ko mapigilan ang lakas ng pagtibok ng puso ko." Sabi ko.

Hinawakan niya ang mukha ko at ibinaling ang tingin sa kanya. Nakatitig na ako ngayon sa mga mata niya.

"Tingnan mo lang ako sa mata hanggang sa mawala ang kaba mo, Zayna." Aniya.

Sinunod ko ang utos niya na titigan lang siya sa mata. Habang ginagawa ko 'yun, naiisip ko kung bakit niya ginagawa saakin lahat 'to ngayon.

Hindi naman niya madalas ginagawa saakin ito pero nawala ang kaba ng puso ko habang tinitigan ko ang kulay kayumanggi niyang mata. And weird na maramdaman ko 'yun pero nakakarelax na tingnan siya sa mata.

Dahan-dahan inilapit ni Matheo ang mukha niya saakin. Napapikit nalang ako kasabay ng pagdapo ng labi niya sa noo ko. Nakaramdam ako ng init sa katawan ko nang ginawa niya 'yun.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon