Chapter 7

71 25 12
                                    

Chapter 7

Kasalukuyan kaming nasa living area kasama ang buong pamilya ni Matheo at si Daddy. Pinatawag na kasi kami dahil may mga kailangang sabihin sila Daddy saaming dalawa ni Matheo at napagkasunduan narin naming dalawa na dapat maging maayos kami sa harap nila Daddy at sa mga Magulang niya. Sabihin nalang natin na kailangan naming magpanggap para hindi sila mag-alala kahit sa totoo naman ay para kaming aso't pusa.

"Days from now, kailangan makalipat na kayong dalawa sa pinagawa naming bahay bago ang engagement party." Nagulat kami sa sinabi ni Tita Eris.

"Days?!" Sabay naming sabi ni Matheo.

"Yes, may problema ba? Akala ko ba nagkaayos na kayong dalawa?" Taas kilay naman na sabi ni Tito.

"A-ahh... Nabigla lang kasi kami dahil ang bilis naman po yata." Sagot ko.

"Oo nga, Dad. Tsaka, hindi pa kami lubos na magkakilala mag-iisang bubong na kaagad kami?" Sabi naman ni Matheo.

"Yun nanga ang ibig naming sabihin para mas makilala niyo ang isa't-isa. At para kapag ikakasal na kayo, hindi na kayo maiilang kung anong gusto niyong gawin." Ngising sabi ni Daddy.

"Pwede naman po nating hindi mamadaliin diba?" Kunot noo kong sabi.

"Oo naman, Dad. Parang binibigla niyo po kasi silang dalawa." Sabi naman ni Luke.

Sinuklian ko nalang siya ng ngiti dahil tinulungan niya kaming kumbinsihin sila Daddy.

"Hija at Hijo. papunta palang kayong dalawa, pabalik-balik na kami kaya alam namin kung anong makakabuti sainyo." Ani tita.

Napailing nalang ako at hindi na nagsalita pa. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Kung panaginip lang talaga 'to, sana magising na ako sa katotohanan dahil ayaw kong makasama si tanda sa isang bubong.

Hindi nga namin magawang magkasundo ngayon, paano pa kaya kapag tumagal na.

"Hoy, tanda. Kapag nangyari 'yung sinabi nila Daddy na lilipat na tayo ng bahay, huwag na huwag kang tumabi saakin matulog ha!" Bulong ko sa kanya at hindi nagpapahalata sa harapan nila.

"Pag-iisipan ko muna, honey." Sagot niya.

"Huwag mo nga akong matawag-tawag na honey. Nakakadiri kang pakinggan!" Reklamo ko habang pinipigilan ang pagtaas ng boses.

"Ayaw mo ba ng honey? Ano bang gusto kong itawag sa'yo, Sweety pie? O baka gusto mong tawagin kitang Honey bee." Bigla nalang siyang napasigaw nang inapakan ko ang paa niya.

Napatingin naman silang lahat saamin at nagtataka kung anong nangyari.

"Are you okay, Matheo?" Kunot noong tanong ni Mavee.

"Y-yeah. M-may kumagat lang kasi na insekto sa paa ko." Sagot ni Matheo at hinimas-himas ang paa niyang inapakan ko.

"Sira kaba? Bakit mo ba ako inapakan?!" Bulong niya saakin.

"Maswerte ka at inapakan lang kita. Kung wala lang tayo sa harapan nila ngayon, kanina pa kita binugbog." Napahinga nalang siya ng malalim at umiling.

Pagkatapos nu'n, nagpaalam na sila saamin ni Daddy na uuwi na sila. Bibisita nalang daw sila ulit kapag may panahon silang makipag-kuwentuhan kay Daddy. Mabuti naman at uuwi na sila. Hindi ko narin makikita ang pagmumukha ng tanda na 'yan.

"Matheo, magpaalam kana." Sabi ni Shem.

"H-ha? Anong paalam?" Kunot noo na tanong ni Matheo.

"Magpaalam kana sa Future Wife mo." Ngiting sabi ni Mavee.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon