Chapter 8

60 22 5
                                    

Chapter 8

ZAYNA'S POV

Malapit na kaming makarating kung saan ang magiging bagong bahay namin na titirhan kasama si Matheo dahil gaya nga ng sinabi nila na lilipat na kaming dalawa bago ang engagement party.

Noong nakaraang araw, ganu'n parin ang turing namin ni Matheo sa isa't-isa. Palagi parin kaming nag-aasaran sa na parang aso at pusa. Hindi na yata magbabago ang tingin namin sa isa't-isa kasi kahit malapit na kaming ikasal ay magkaaway parin ang turing naming dalawa.

"We're here!" Sabi ni Tita Eris.

Nasa iisang sasakyan lang kasi kami kasama ang magulang ni Matheo at ang Daddy ko. Wala 'yung mga kapatid niya dahil hindi sila pinayagang sumama.

Paglabas namin sa SUV, bumungad kaagad saamin ang napakalaking bahay. Sobrang laki tapos kami lang dalawa ni Matheo ang titira maliban sa mga kasambahay.

Pagpasok namin, namangha ako sa pagdesenyo nito. Naka-carpet ang buong sahig, kulay puti ang ding-ding, at nagliliwanag na mga chandelier sa kisame.

It is not my dream house pero pumasa siya sa taste ko.

"Anong masasabi niyo sa bago niyomg bahay?" Ngiting tanong ni Tito.

"Actually, Dad. Sobrang ganda nito at maayos pa diba, honey?" Sabi ni Matheo sabay hawak sa bewang ko.

"Y-yeah, ang ganda nga sobra!" Pilit akong ngumiti.

Kinurot ko ang tagiliran ni Matheo para bitiwan niya ako pero mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa bewang ko kaya hindi ako makawala sa kanya.

"Ano ba, tanda. Bitiwan mo nga ako!" Irita kong bulong sa kanya.

"Ayaw ko nga." Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya saakin.

Humanda talaga siya mamaya kapag maiiwan na kaming dalawa dito.

"I can't wait na maglalaro kami ng apo ko dito." Ngiting sabi ni Tita Eris.

"Apo?!" Sabay sabi namin ni Matheo.

"Yes, doon din naman ang patutunguhan ninyong dalawa diba?" Napanganga kami sa sinabi ni Tita Eris.

Grabe, nangangarap pa talaga sila ng apo.

"Lahat ng keys dito sa mansion ay hawak ni Manang Eling. Ang ibibigay ko lang sainyo ay ang isang duplicate na susi ng Master Bedroom." Tumango si Matheo at kinuha ang susi na hawak ni Daddy.

"Ipapahatid nalang namin sa driver ang mga gamit ninyo para ilipat dito at para rin hindi na kayo maabala pa, okay?" Sabi ni Tita Eris.

"Okay, po." Ngiti kong sagot.

"I think we should go now, Eris. May appointment pa tayo sa client natin na kailangan nating puntahan." Sabi ni Tito.

"Maiwan na namin kayong dalawa dito." Tumango nalang kaming dalawa ni Matheo.

Lumapit si Tita Eris saamin at niyakap kaming dalawa. Tinapik naman ng Daddy niya si Matheo sa braso. Pagkatapos ng pagyakap ni Tita Eris saamin, dahan-dahan namang lumapit si Daddy saakin at niyakap ako ng mahigpit. Pagkatapos niya akong yakapin ay hinalikan niya ako sa noo.

"Wag mong kalimutan na mahal na mahal kita, anak." Napalunok ako sa sinabi ni Daddy.

Bumaling ang tingin niya kay Mathel at tinapik ito sa braso.

"Ingatan mo ang anak ko, Matheo." Seryoso niyang sabi.

Pagkatapos niyang sabihin saamin yun, nagsimula na siyang maglakad palabas ng bahay.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon