Epilogue

89 9 1
                                    

Epilogue

Andito kami sa sementeryo at kasalukuyang nililinisan ang puntod niya. Matagal narin kasing hindi kami nakadalaw dahil sa mga nangyari nu'ng nakaraang araw.

"Kumusta na kaya siya sa langit ngayon." Napatingin ako sa kanya.

"Masaya siyang na nakikita niya tayo ngayon, Zayna." Hinawakan ko ang kamay niya. "Masaya siya dahil buhay kapa at hindi mo kami iniwan." Ngumiti siya.

"Alam mo, nakita ko siya sa panaginip ko nu'ng nag-agaw buhay ako." Huminga siya ng malalim. "Gusto na niya akong sumama sa kanya. Hahawakan ko na sana 'yung kamay niya pero naalala ko na kailangan ko pa palang mabuhay kasi ayaw kitang iwan ng mag-isa dito kasama ang mga anak natin." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Thank you, Zayna. At hindi ka sumuko." Sabi ko at hinalikan siya sa noo. "Kapag ginawa mo 'yun, mapipilitan akong sundan ka." Natawa siya bigla.

Nu'ng araw na sinabi ni Luke saakin na gising na siya, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Halos mapatalon na ako sa tuwa nang malaman ang magandang balita.

Maayos na ang lahat at natapos na ang bagyong dumaan sa buhay namin. Napalitan na ito kulay at 'yun ay ang matamis naming ngiti na nanggaling sa mga labi namin.

ZAYNA'S POV

Ilang buwan narin ang nakalipas simula nu'ng nangyari ang trahedya sa buhay namin. Kapag naalala ko ang ginawa ni Blaire saakin, iniiyak ko nalang para mailabas ang sakit na nasa loob ng puso ko. Napakasakit kasi ang ginawa ni Blaire saamin.

Pinuntahan namin siya sa prisinto pero hindi ko na siya nakita dahil ang sabi raw, pinatay raw siya ng kasama niya sa kulungan. 'Yun ang chismiss du'n kasi naiinis daw ang mga kasamahan niya sa kanya dahil napakaarte raw nito pagdating sa mga pinapagawa sa kanila at para raw siyang reyna kung maging sunod-sunuran sa kaniya.

Nakakalungkot ang nangyari sa kanya pero masaya narin ako dahil wala ng manggugulo sa buhay namin ni Matheo. Sinabi rin ni Matheo saakin na pinagsisihan daw niya ang nagawa niyang kasalanan. Wala na akong magagawa kundi ang patawarin na siya kasi lahat naman tayo nagkakasala.

Andito ako ngayon sa bahay at kanina pa hindi umuwi si Matheo. Tumawag siya saakin kanina at sinabi niyang sa park nalang daw kami magkikita. Hindi naman niya sinabi saakin kung anong meron at bakit pupunta kami sa park kahit gabi na. Ako lang mag-isa dito sa bahay maliban sa mga kasambahay namin. Sina Zian at Martha kasi nasa mansion ng lolo at lola nila.

Andito ako sa kwarto at kasalukuyang nag-aayos sa sarili ko. Ang sabi kasi ni Matheo, dapat sakto seven dapat andu'n na ako sa park kaya sinunod ko ang sinabi niya.

May binilin rin siyang damit saakin na 'yun daw ang susuotin ko. Kukay pula siyang dress at backless. Hindi ko talaga alam kung anong meron ngayong gabi. Kapag tanungin ko siya kanina, bigla nalang siyang mag-iiba ng usapan. Ang hilig niya talagang mangsurpresa ng mga lakad eh.

Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Wala parin talagang pinagbago ang katawan ko, payat parin. Pero may curve naman ang katawan ko. Sinasabi nilang mas maganda raw tingnan ang mga payat dahil mas sexy silang tingnan. Agree naman ako du'n pero si Matheo, hindi. Mas gusto niya talagang maging chubby ako pero ayos naman daw na ganito nalang.

Ilang minuto ang lumipas, natapos narin ako. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba agad sa hagdan. Nakasalubong ko pa ang mga kasambahay namin at binigyan nila ako ng matamis na ngiti. Ganu'n din ang sinukli ko sa kanila.

"Ang ganda niyo naman po, Ma'am." Puri ng medyo batang kasambahay.

"Sigurado akong mapapanganga talaga si Sir kapag makikita ka niya mamaya." Ngiting sabi ng kasama niya.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon