Chapter 6

72 23 11
                                    

Chapter 6

Tumayo na ako sa kinauupuan ko dahil kanina pa naghihintay si Manong driver saakin. Nagpaalam narin ako kay Winzy na mauuna na akong umuwi sa kanya. Wala pa kasi 'yung driver niya kaya mananatili raw muna siya du'n.

Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko si Matheo na nakatayo sa gilid ng pader habang nakasandal ang likod nito. Bigla nalang akong napakunot ng noo nang makita ko ang duguan niyang kamao.

Nakipagsuntukan kaya siya?

Gusto ko sana siyang lapitan kaso naalala ko na naiinis pala siya saakin. Kahit naman kaaway ko siya, nag-aalala parin ako kung ano ang nangyari sa kanya.

Hindi ko nalang siya pinansin at sumunod nalang sa nilakaran ng driver kung saan nakaparada ang sasakyan.

Pagdating namin, binuksan niya kaagad ang pintuan ng sasakyan para makapasok ako. Hindi rin naman nagtagal nakaalis narin kami.

"Manong pwede bang bagalan mo lang ang pagtakbo?" Utos ko sa kanya.

"Eh, Ma'am. Utos saakin ng daddy mo na magmadali raw tayo dahil parating narin ang mga bisita sa mansion." Sagot niya.

"Sige naman manong, oh. Pagbigyan niyo nalang ako." Pakiusap ko.

"Ma'am, ako po ang mapapagalitan ng Daddy niyo kung susundin ko ang iniutos ninyo." Napanguso ako.

"Ako na ang bahalang mag explain kay Daddy. Sundin mo lang ang iniutos ko." Napakamot nalang siya sa ulo at sinunod ang utos ko.

Nakahinga rin ako ng maluwag dahil binagalan niya ang pagtakbo ng sasakyan. Sinadya ko talaga para matagal kaming makarating sa mansion. Habang patuloy lang sa pagmamaneho si manong, nag-isip pa ako ng paraan kung paano ako makakauwi ng matagal.

Sakto namang may nadaanan kami seven-eleven.

"Manong, pwede bang ihinto mo sandali ang sasakyan? Nagugutom kasi ako." Ngiti kong sabi.

"Ma'am, sa mansion nalang po kayo kumain." Sagot niya.

"Mas gusto ko ang pagkain nila dito, eh. Sige na naman Manong, mabilis lang naman ako." Pakiusap ko.

Napailing nalang siya at pinayagan ako. Pagpasok ko ng seven-eleven, binagalan ko ang kilos ko ang pagpili ng mga pagkain para matagal kaming makauwi.

Sa totoo lang, kanina pa tumutunog ang cellphone ko pero hindi ko lang pinansin dahil alam kong si Daddy yun. Hulaan ko na naiinis na siya dahil ang tagal naming umuwi.

Tiningnan ko rin si Manong driver na nasa labas at may kausap sa cellphone niya. Alam kong si Daddy talaga yun at galit na galit na ata. Hindi ko nalang siya pinansin at binayaran na 'yung inorder kong pagkain.

Akmang uupo na sana ako sa isang table nang bigla akong pinuntahan ni Manong driver.

"Ma'am, sa mansion niyo na po yan kainin. Galit na galit na po ang Daddy niyo dahil ang tagal daw nating umuwi." Huminga ako ng malalim.

"Okay, fine." Sumunod nalang ako kay Manong.

Palpak 'yung plano ko pero ayos narin dahil mag-iisang oras na pala na hindi pa kami nakauwi sa mansion. Siguro, hindi na maiguhit ang mukha ni Daddy sa kakahintay saamin.

Ilang minuto rin, nakarating na kami ng mansion. Nakita kong may nakaparada sa garahe namin na ibang sasakyan. Sa palagay ko, kotse yun ng mga bwesitor. Baka nakarating nanga talaga sila.

Paglabas ko ng kotse, medyo nakaramdam na ako ng kaba. Kinakabahan ako kung sino ang lalakeng ipapakilala ni Daddy saakin. Sana lang talaga magkakasundo kami.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon