Chapter 18

53 13 13
                                    

Chapter 18

Nakarating na kami ni Matheo sa isang Modern house na sinasabi niya na dinadayo rin daw ng mga Pilipino. Sobrang saya pa niya nang makarating kami. Bawat sulok ay kinukunan niya ng litrato habang ako naman ay sunod nalang ng sunod sa kanya dahil sobrang boring.

Ang gusto ko naman talaga ay ang mag window shopping at napilitan lang ako dahil gusto niyang pumunta dito. Ang unfair dahil siya lang ang sumaya habang ako ay nakatunganga at hinhintay siya kung kailan matatapos.

"Hindi kapa ba tapos?" Kibit balikat kong tanong habang kumukuha siya ng litrato sa hawak niyang camera.

"Halika, magpicture tayo." Aniya sabay hila saakin.

"Ano ba 'yan, sobrang boring dito." Reklamo ko.

"Don't worry, honey. Mag-eenjoy karin mamaya." Ngiti niyang sabi.

Humanap siya ng tao na hindi niya kakilala para kunan kami ng litrato. May nahanap naman siya at pumwesto kaming dalawa sa ilalim ng puno.

Nakaakbay siya saakin at pareho kaming naka peace sign sabay ngiti. Iba't-ibang posing naman ang ginawa namin katulad ng, wacky, candid, at iba pa.

Sa ginawa namin ngayon parang nawala ang pagkabagot ko. Tama nga siya maeenjoy ko rin kung makikisabay lang ako sa nature.

Pagkatapos naming magpapicture, pumunta kami ni Matheo sa kainan na street foods dito. Sobrang dami nila na nagtitinda dito at ang lalaki ng mga tinitinda nila kumpara sa Pinas. Sure ako na mag-eenjoy si Matheo na kainin ito.

Kumuha kami ng sampung stick ng parang lamang loob 'yun pero ewan ko kung anong tawag nito in japanese. Akala ko sa Pilipinas lang may nagtitinda nito pero meron din pala dito.

Actually, ngayon lang kami makakakain ni Matheo ng ganito kasi kahit sa Pinas ay hindi namin nagawang tikman 'yung mga pagkain na iniihaw at tinitinda sa gilid.

"Sure kabang kakain ka niyan?" Kunot noo na sabi ni Matheo.

"Oo, wala namang masama kung tikman natin. Hindi pa ako nakakatikim nito eh." Sagot ko.

Napalunok naman siya habang tinitingnan ang hawak na nakatuhog na para siyang intestine ng manok pero malaki siya. Hindi ko talaga akalain na meron din silang ganitong tinda dito.

Dahan-dahan kong kinagat para matikman kung anong lasa. Pagnguya ko, masarap naman pala siya lalo na 'yung sauce niya. Bumaling ang tingin ko kay Matheo na nakatitig lang saakin at hindi pa pala niya kinain 'yung hawak niya.

"Bakit ka nakatunganga diyan? Kainin mo na 'yan." Sabi ko.

"Sa'yo nalang." Aniya sabay bigay.

"Ayaw ko nga! Sa'yo 'yan kaya kainin mo." Sabi ko sabay tanggi sa ibinigay niya.

"Hindi kaya ng sikmura ko." Reklamo niya.

"Matakaw ka namang kumain diba? Tapos ang arte mong kainin 'yan. Hindi ka nga nagdadalawang isip na kainin 'yung ano ko--" Napahinto ako.

"Yung ano?" Taas kilay niyang sabi.

"W-wala. Kainin mo na 'yan." Iniwasan ko nalang siya ng tingin.

Ano ba 'yan, nakakainis! Ano bang pinagsasabi ng bibig ko.

Hindi talaga niya pinilit 'yung sarili niya na kainin ang 'yung lamang loob. Itinapon niya lang 'yun sa basurahan pagkaalis namin. Buti nalang at hindi nakatingin 'yung tindera na binilhan namin.

Nagdesisyon kaming dalawa ni Matheo na pumunta muna ng mall dahil marami akong bibilhin na gamit para ipasalubong sa mga kaibigan ko at pati na sa mga magulang namin.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon