Chapter 20

58 11 0
                                    

Chapter 20

Isang buwan na ang lumipas at ganu'n parin ang nangyayari. Maayos naman kami ni Matheo. Minsan din may tampuhan pero nagkakabati naman agad. Naging busy narin si Matheo sa kompanya ng Daddy niya dahil kakagraduate lang niya ng college nu'ng nakaraang linggo.

Araw-araw na siyang pumapasok sa kompanya habang ako naman ay sa school parin dahil third year college palang ako. Minsan ko nalang din siya nakakasama dahil abala na siya sa pag asikaso at dumagdag pa 'yung sunod-sunod niyang meetings pero naiintindihan ko rin naman kasi at least humahanap parin siya ng oras na magkabonding kaming dalawa.

Katulad nalang sa araw ngayon na nagising nalang ako na wala na siya sa tabi ko. Ang aga niya kasing pumasok sa trabaho. Ni hindi ko nga alam kung kumain ba siya ng almusal bago siya umalis ng bahay.

Bumangon na ako sa higaan para makapaghanda narin ako dahil papasok pa ako sa school. Naisip ko na dadaan muna ako sa Kompanya para dalhan ng pagkain si Matheo bago ako papasok ng school. Hindi kasi ako nakaka-sigurado kung kumain ba talaga siya kanina.

Nagtungo ako sa kitchen para sana kausapin 'yung mga kasambahay namin. Nagtaka naman sila na pumasok ako. Bihira kasi akong pumasok sa kitchen, pwera nalang kung may kukunin ako or ipautos.

"May kailangan po ba kayo, Ma'am?" Ngiting tanong ng isang kasambahay.

"Can you teach me how to cook?" Nagulat sila sa sinabi ko.

"A-ahh... May hinanda naman po kaming pagkain, hindi niyo na po kailangan magluto." Umiling ako.

"Gusto ko lang ipagluto ang asawa ko, pwede niyo ba akong turuan?" Ngumuso ako.

"A-ahh... S-sige po, walang problema." Lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya.

"Ang sweet niyo naman po kay Sir, Ma'am." Sabi naman ng isa.

"I'm not sure kasi kung nakakain ba siya ng tama sa oras." Sagot ko.

Binigyan nila ako ng apron at hairnet para susuotin ko. Unang beses ko itong magluto at hindi ko alam kung makakaya ko ba talaga 'to. Nasanay talaga kasi ako na may kasambahay kaya umaasa lang ako sa kanila.

May binigay sila saakin na mga sibuyas at bawang. Ang sabi nila na 'yun lang daw ang gagawin ko kaya sinunod ko sila at hiniwa 'yung sibuyas.

"Ma'am, hindi po ganu'n ang paghiwa ng sibuyas. Ganito po." Inalalayan naman ako ng isang kasambahay na medyo bata pa.

Apat kasi kaming andito sa kusina at dalawa na ang matanda.

Mali pala talaga ang paghiwa ko dahil halos maubos na 'yung laman niya nu'ng binalatan ko pa. At sobrang hirap pala talaga kasi naiiyak ka nalang. Ngayon ko lang naramdaman na mahirap pala talaga maging isang kasambahay, hindi ko nga alam kung paano sila nakakasurvive kapag hinihiwa nila 'yung sibuyas at bawang na hindi umiiyak.

Pagkatapos kong hiwain, sinabihan nila ako na pwede na raw akong magsimulang magluto. Inilagay nila 'yung frying fan sa stove at nilagyan ito ng mantika. Pagkatapos, nilagay ko naman 'yung hiniwa kong bawang at sibuyas.

Nang magsimula akong magluto, sinabihan ko na sila na 'wag na akong tulungan dahil kaya ko na. Gusto ko kasi na ako talaga ang magluluto kaya nasa gilid lang sila at nakatingin lang saakin.

Bigla pa akong napatalon nang bigla nalang tumalsik 'yung mantika sa balat ko. Kaya kumuha ako ng takip ng kaldero para protektahan ang sarili.

"Ma'am, sure po ba kayong kaya niyo po 'yan?" Pag-alalang tanong ng kasambahay.

"Y-yes, kaya ko 'to wag na kayong mag-alala." Sagot ko habang umiiwas parin sa tumatalsik na mantika.

"Kailangan niyo na pong ilagay 'yung bell pepper, Ma'am." Sabi ni Manang.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon