Chapter 4
MATHEO'S POV
"What?! Seriously Dad, ipapakasal niyo ako sa babaeng hindi ko pa kilala?" Gulat kong sabi.
"Yes, Matheo." Tipid niyang sagot sabay sandal sa swivel chair niya.
"No, Dad. Hindi ako papayag." Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Matheo, I am old enough at ikaw na ang papalit sa posisyon ko." Umiling ako sa sinabi niya.
"Bakit ako pa, Dad? Andiyan naman si Mavee, si Luke, o di kaya si Shem." Huminga siya ng malalim at tumingin saakin ng seryoso.
"Ikaw ang panganay, Matheo. Kaya ikaw ang magdadala ng posisyon ko." Seryoso niyang sabi.
"Dad, I don't need a wife to taking care of me. I can handle the Company alone." Reklamo ko.
"That's an order, Matheo! I am your father kaya alam ko ang makakabuti sa buhay ninyo!"
Hindi na ako nagsalita pa at naglakad nalang palabas ng office niya. Alam kong seryoso siya palagi sa lahat ng bagay at sinunod namin lahat iyon ng walang pagdadalawang-isip maliban sa sinabi niya saakin ngayon.
Personal na'to at buong buhay ko itong dadalhin hanggang sa huling hininga ko unless kung si Blaire ang pakakasalan ko pero nawala lang ang lahat dahil iniwan na niya ako.
Kapag naiisip ko ulit siya, bumabalik lang lahat 'yung sakit na salita na sinabi niya saakin.
"Anong sinabi ni Daddy sa'yo?" Tanong ni Mavee nang makarating ako sa living room.
Nakaabang pala silang tatlo saakin. Si Mavee ang pangalawa sa apat naming magkakapatid. Si Luke ang pangatlo, at bunso si Shem. Puro kami mga lalake at wala kaming kapatid na babae. Lahat kami pantay-pantay ang tingin sa isa't-isa. Hindi namin tinuring na may panganay saamin o bunso.
"Gusto na niyang magpakasal ako." Walang ekspresyon kong sabi.
Natahimik silang lahat at hindi makapaniwala.
"Seriously, sinabi niya sa'yong magpakasal ka?" Ani Shem.
"Kanino naman daw?" Kunot noong tanong ni Luke.
"Hindi ko alam kung sinong babae ang sinasabi niya." Sabi ko.
"Ibig sabihin, hindi si Blaire?" Seryoso akong tumingin kay Mavee.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil ayaw na ayaw kong marinig na binabanggit nila ang pangalan ni Blaire.
"What are you going to do now, Matheo?" Ani Shem.
Napahinga nalang ako ng malalim at ginulo ang buhok. Hindi ko pa alam kung anong maging desisyon ko dahil ang hirap lalo na na wala kang pagpipilian.
Bigla nalang akong napaisip sa nangyari kanina. May problema pa pala ako. Ang babaeng 'yun, hindi pa niya nabura 'yung video. Humanda talaga siya saakin kung hindi siya susunod sa usapan namin. Malilintikan siya saakin kung malaman kong inupload niya 'yun.
Hayy! Bakit naman kasi hindi ako nag-iingat at ganu'n nalang ang naging reaksyon ko sa palaka kanina. Para tuloy akong bakla sa ginawa niya.
Pero may bukas pa naman. Hindi ko siya tatantanan hangga't hindi mabubura ang video na 'yun.
Bumalik ako sa katotohanan nang may pinag-usapan sila at tiningnan sa iPad. Curious ako kung ano 'yun kaya nilapitan ko sila kung ano 'yung tinitingnan nila.
"Paano mo nalaman ang pangalan niya?" Tanong ni Shem kay Luke.
"Nakita ko siya kanina. Grabe, ang hot niya." Ani Luke habang nakatingin sa iPad.
BINABASA MO ANG
Hopeless Wife
Romance[COMPLETE] Warning: Spg Zayna Channells, ang babaeng may pagkatigasin ng ulo na ipagkakasundo ng Daddy niya sa lalakeng kinaiinisan niya para matigil ang lahat ng kalokohang ginagawa niya. Matutunan kaya nilang magmahal sa Isa't-isa kung gayu'y pare...