Chapter 42

61 8 0
                                    

Chapter 42

Kasama ko si Luke sa paghahanap kay Zayna ngayon. Sinabi ni Blaire na inilibing daw ng mga kasamahan niya sa likod ng abandonadong bahay. Malawak ang sementeryo na'to at mahirap hanapin ang sinabi niya lalo't may maraming abandonadong bahay dito.

"Mabuti pa, maghiwalay tayo sa paghahanap para mas madali nating makita." Tumango ako sa sinabi ni Luke.

"Magkita nalang tayo sa labas, may ilang mga pulis pa namang naghihintay saatin du'n." Tumango rin siya at tinapik ako sa balikat bago siya umalis para hanapin si Zayna.

Hindi pa ako nakaalis sa kinatatayuan ko, nakita ko na agad ang isang malabundok na puntod. Dahan-dahan akong naglakad papalapit du'n dahil may nakita akong isang bagay na naiwan sa ibabaw nu'n. Bigla akong nakaramdam ng panghihina sa katawan ko nang malamang kay Zayna ang bracelet na napulot ko ngayon. Ibig sabihin kung naiwan niya ito, andito siya ngayon sa ilalim ng lupa.

Hindi ko na mapigilan ang luha na kanina ko pa pinipigilan sa mga mata ko. Dali-dali akong kumuha ng bagay na pwedeng panghukay dito sa lupa. Hindi naman nagtagal, nakahanap din ako.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kasakit sa puso ko. Ang sakit isipin na ako mismo ang naghuhukay sa asawa kong inilibing ng ibang tao. Sa bawat paghukay ko ng lupa ay kasabay rin ng pagpatak ng aking luha. Hindi nagtagal, nakita ko na ang kabaong.

Binuksan ko ito at mas lalo akong nanlumo nang makita si Zayna na wala nang malay. Niyakap ko siya ng mahigpit habang patuloy parin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Hinanap ko ang pulso sa kamay niya para alamin kung pumipitik paba ito. At nakahinga ako ng maluwag dahil naramdaman ko pa 'yun kahit mahina na. Dahil siguro sa matagal siyang hindi nakalabas sa ilalim kaya nahihirapan siyang kumuha ng hangin sa ilalim.

"Zayna, wag ka munang sumuko." Sinubukan ko siyang yugyugin baka sakaling magising siya. "Zayna, pasensya kana kung nahuli ako ng dating. Please, wag ka munang mawawala." Wala parin talaga siyang malay.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na papalapit na dito si Luke. Nagulat din siya nang makita niya si Zayna. Namumutla na ang labi nito at para na siyang bangkay. Pero hindi pa naman malamig ang katawan niya. Naniniwala akong buhay pa siya.

"Matheo, dalhin na natin siya sa hospital." Sabi ni Luke.

Binuhat ko si Zayna palabas ng kabaong at nagmadali kaming nagtungo kung saan nakaparada ang kotse ko. Nagbulontaryo si Luke na siya na ang magmamaneho kaya pumasok ako sa back seat kasama si Zayna. Habang nasa gitna kami ng byahe, hindi ako mapakali sa kakatitig sa kanya at bawat minuto, chinecheck ko 'yung pulso niya kung pumipitik paba ito.

"Zayna, kumapit kalang. Wag ka munang sumuko, malapit na tayo sa hospital." Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan siya sa noo.

Ilang oras din ang lumipas bago kami nakarating ng hospital. Nasa probinsya pa talaga kami at ito lang ang nakita naming malapit na hospital kaya dito muna namin siya dalhin pansamantala dahil kung sa maayos na hospital namin siyang dalhin, mas matatagalan pa kami kasi malayo pa 'yun dito.

Pagpasok namin, inasikaso agad siya ng mga doktor. Hanggang ngayon, wala parin siyang malay at mas lalo siyang namumutla. Kinakabahan ako na baka tuluyan na siyang mawawala saakin pero naniniwala ako na lalabanan niya 'yun. Lalaban siya kasi alam kong matapang siya.

Naiwan kami ni Luke dito sa labas nang maipasok na siya ng mga doktor sa operating room. Umupo ako sa upuan at yumuko habang nakasandal ang noo ko saaking mga palad. Tumabi rin si Luke saakin at tinapik ako sa balikat. Sana nga hindi pa huli ang lahat.

"Mabubuhay siya, Matheo. Magtiwala kalang sa kanya." Tiningnan ko si Luke.

"Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot, Luke." Napabuntong hininga ako. "Nakakatawa kasi inakala niyo na  ako ang pinakamatapang saating apat na magkakapatid pero may kahinaan parin ako." Walang ekspresyon ang kanyang mukha na tumingin saakin at nakinig lang sa mga sinabi ko. "Takot ako na baka isang araw, iiwan nalang ako ni Zayna. Iiwan niya lang kami ng mga anak niya." Narinig ko siyang huminga ng malalim.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon