Chapter 32

60 9 0
                                    

Chapter 32

Kumalas si Matheo sa pagyakap saakin at bigla niya akong hinila palabas. Hinigpitan pa niya ang paghawak sa kamay ko at deretso lang siyang naglakad. Halos madapa nanga ako sa kakahila niya dahil ang bilis niyang maglakad.

"M-Matheo, bitiwan mo ako nasasaktan ako." Huminto siya at hinarap ako.

Nasa isang sulok na pala kami na walang taong nakakakita.

"What's wrong with you, Zayna? Kahit saan-saan kita hinahanap tapos ngayon, aasta ka lang sa harapan ko na walang nangyari?" Napakunot ang noo ko. "Ilang taon kang nawala tapos magpapakita ka kaagad saakin ngayon?"

"Hindi kita maintindihan, Matheo. Baka nakakalimutan mong ikaw ang may kasalanan ng lahat--" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Ako? Saakin mo ba talaga sinisi ang lahat ha, Zayna? May kasalanan ka rin. Dapat kasi pinakinggan mo muna ako bago ka lumayo." Napaiwas siya ng tingin nang sinampal ko siya.

"Para saan pa para pakinggan kita? Para iparinig saakin na mahal mo parin ang kabit mo?" Taas kilay kong sabi.

"Zayna, pitong na 'yung nakalipas! Sa tingin mo ba, hahanapin kita kung mahal ko parin siya?" Napabuntong hininga nalang ako at umiling.

"Tama ka, pitong taon nanga. At pitong taon naring nanatili sa puso ko ang sakit na ginawa mo!" Galit kong sabi.

"Alam kong nagkamali ako pero pinagsisihan ko naman 'yun." Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.

"Pero sinaktan mo parin siya, Matheo." Bumaling ang tingin naming dalawa kung sino 'yung nagsalita.

"Luke." Mahina kong sabi.

Lumapit si Luke saakin at hinili niya ako papalayo ng konti sa kinatatayuan ni Matheo.

"Isa kapa, Luke. Napaka-sinungaling mo. Alam mong hinanap ko siya pero ikaw lang pala ang nagtago sa kanya." Seryosong sabi ni Matheo at hinila niya ako palayo kay Luke.

"Matapos mo siyang saktan, hahanap-hanapin mo siya? Sa tingin mo, mauuto mo pa ngayon si Zayna?" Taas kilay na sabi ni Luke dahilan ng kinainis ni Matheo.

Akmang hihilain sana ako ni Luke pero mahigpit ang hawak ni Matheo sa braso ko kaya hindi ako nakalayo sa kanya.

"Sinadya mong gawin 'to kasi gusto mo ang asawa ko. Hindi mo ba matanggap sa sarili mo na ako ang asawa niya at hinding-hindi 'yun mangyayari na maging kayo!" Biglang nainis si Luke sa kanya.

"Enough!" Saway ko.

"Malabong maging kami ng asawa mo, pero sapat na saakin na nasa tabi niya ako ng pitong taon sa panahon na kailangan ka niya pero wala ka." Asar ni Luke sa kanya.

Nagulat nalang ako nang bigla siyang sinuntok ni Matheo sa mukha kaya muntik ng bumagsak si Luke sa sahig.

"Matheo, tama na!" Saway ko pero hindi parin niya ako pinakinggan.

Nakatayo si Luke at nilapitan niya rin ito si Matheo at ginantihan din ng suntok sa mukha. Nakita kong pareho na silang may dugo sa bibig dahil sa lakas ng pagkasuntok nilang dalawa.

Walang silbi ang pag-awat ko dahil hindi sila nakikinig saakin. Kaya ang naisip ko lang na paraan ay pagitnaan silang dalawa. Sakto namang pagharang ko sa kanila ay ang pagdapo rin ng kamao nila sa ulo at tiyan ko tumama.

Napanganga ako sa sakit na naramdaman ko at dahan-dahan akong napaupo sa sahig habang hawak ang ulo at tiyan ko.

"Zayna!" Sabay nilang sabi habang dahan-dahan akong bumagsak sa sahig.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon