Chapter 33
ZAYNA'S POV
Sinubukan kong itago ang katotohanan pero lumabas parin sa bibig ko na sabihin sa kanya ang totoo. Hindi ko alam kung tama ba ito pero ang inaalala ko lang ay kung saan ang patutunguhan nito.
"Bakit hindi mo agad sinabi saakin? Bakit mo itinago saakin ng pitong taon ang mga anak ko?" Seryoso niyang sabi na may halong pagkalungkot sa mga mata niya.
"K-kasi... Natakot ako na--" Pinutol niya ang sasabihin ko.
"Natakot ka dahil sa pagkakamali ko sa'yo?" Umiling siya. "Hindi mo man lang ba inisip na pinagkait mo ang mga anak natin saakin?" Napabuntong hininga ako.
"Hindi ko naman sila ipinagkait sa'yo." Huminga siya ng malalim.
"Zayna, pitong taon! Pitong taon kong hindi nalaman na may anak pala tayo. Ni hindi man lang kita natulungan nu'ng nagdadalang tao ka sa kanila." Napayuko nalang ako sa kakasermon niya saakin. "Damn, Zayna! Kapatid ko pa talaga ang kasama mo na dapat ako 'yung nandiyan sa tabi mo."
"Hindi ko naman intensyon na isekreto 'yung totoo sa'yo. Umalis ako kasi akala ko na... 'Yun ang makabubuti saakin." Pinipigilan kong tumulo ang luha na namuo sa mga mata ko.
"Kung sarili mo lang iniisip mo, dapat sana hindi mo na dinamay ang mga bata." Inangat ko ang mukha ko para titigan siya.
"Mommy!" Napalingon kaming dalawa ni Matheo nang may tumawag saakin sa likuran.
Papalapit na sila Zian at Martha sa kinatatayuan namin. Bumaling ang tingin ko kay Matheo na seryoso parin ang mukha habang tiningnan ang dalawang kambal.
"Mommy, hindi paba tayo aalis?" Kunot noong tanong ni Zian.
"Mommy, sino ba siya?" Tanong ni Martha habang nakatitig kay Matheo.
Lumuhod ako sa harapan nila para mapantayan ang kinatatayuan nila. Kailangan ko ng sabihin sa kanilang dalawa ang totoo.
"Zian... Martha... Diba gusto niyong makilala ang tunay niyong Daddy?" Ngumiti ako pero hindi parin maitago sa mukha ko ang pagkalungkot.
"Bakit, Mommy? Siya ba 'yung totoo naming Daddy?" Tanong ni Martha.
Napalunok pa ako. Bumaling ang tingin ko saglit kay Matheo na naghihintay rin na sabihin ko ang totoo.
"Oo baby, tama ka. Siya 'yung tunay niyong ama." Napanganga silang dalawa.
Dahan-dahang humakbang si Martha papalapit kay Matheo. Pati ang ama niya ay nasasabik na siyang yakapin ang anak niya.
"Ikaw ang Daddy namin?" Tanong ni Martha kay Matheo.
Lumuhod si Matheo para mapantayan niya si Martha.
"Oo, ako ang tunay mong ama. Pwede bang... yakapin kita?" Ani Matheo. Pero hindi na sumagot si Martha at niyakap na niya ang kanyang ama. Nagulat naman ang ekspresyon sa mukha ni Matheo at sinuklian narin ng yakap.
Nakaramdam ako ng saya sa puso ko na makita ang anak ko na nakilala na nila ang kanilang ama. Parang nawala 'yung galit na maramdaman sa puso ko na sa loob ng pitong taon, nahawakan at nakapiling na nila ang kanilang ama.
Nagtaka ako kung bakit si Martha lang ang lumapit sa kanyang ama. Si Zian ay nanatili parin sa tabi ko habang seryoso ang mukha na nakatitig lang kina Matheo at Martha na nagyakapan.
"I'm sorry, kung hindi ako naging perpekto niyong ama. Patawarin niyo ako kung hindi ko kayo nakasama nu'ng lumaki kayo." Malungkot na sabi ni Matheo.
Bumaling ang tingin niya kay Zian. Gusto niya sanang palapitin ito para yakapin pero walang balak si Zian na lapitan ang kanyang ama.
"Zian, go to your Daddy." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Hopeless Wife
Romance[COMPLETE] Warning: Spg Zayna Channells, ang babaeng may pagkatigasin ng ulo na ipagkakasundo ng Daddy niya sa lalakeng kinaiinisan niya para matigil ang lahat ng kalokohang ginagawa niya. Matutunan kaya nilang magmahal sa Isa't-isa kung gayu'y pare...