Chapter 21

58 12 6
                                    

Chapter 21

Kasalukuyan kaming nasa mall kasama si Winzy dahil nagcutting classes nga kaming dalawa. Sa totoo lang, napilitan lang siyang sumama saakin dahil nag-alala siya na baka gagawa na naman daw ako ng kalokohan gaya ng ginawa ko sa bar nu'ng una. Kapag hindi ko kasi siya kasama ay napapahamak talaga ako kasi kapag andiyan siya, tatawag agad siya ng tulong.

"Anong gagawin natin dito, Zayna?" Kunot noo niyang tanong.

"Manonood tayo ng cine." Sagot ko.

"Sira kaba? May pasok pa tayo!" Saway niya.

"Winzy, nagcutting classes nga tayo diba? Bakit pa tayo papasok." Napailing nalang siya.

"Okay, fine. Basta wag na wag kang gagawa ng kalokohan ngayon ha?" Taas kilay niyang sabi.

"Masusunod, mahal kong alipin." Ngiti kong sabi dahilan ng pagkainis sa mukha niya.

"Anong alipin ka diyan! Hindi mo ako alipin!" Natawa ako.

"Biro lang. Syempre mahal kita bilang best friend ko." Sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Mahal din naman kita eh." Sagot niya.

"Kaya wag mo akong isumbong sa asawa ko ha?" Agad siyang kumalas sa pagyakap.

"Ahh ganu'n, may kondisyon pala 'yung paglalambing mo?" Taas kilay niyang sabi.

"Damay ka parin naman kung isusumbong mo ako." Ngumuso ako.

"Hayyss! Oo na!" Padabog siyang umalis sa harapan ko.

Bumili ako ng dalawang ticket para saamin ni Winzy at siya naman ay bumili rin ng popcorn para kakainin namin mamaya sa loob.

"Tingnan mo nga 'yung babae, Isip bata parin talaga siya. Seryoso ba siyang manonood siya ng Mr. Bean?"

"Nakakatawa siya, baliw na yata 'yan eh." Narinig kong bulong-bulungan sa likuran ko na mga babae.

Alam kong ako 'yung pinaparinggan nila dahil ako lang naman 'yung nakapila dito at bumili ng dalawang ticket para panoorin ang bagong movie ni Mr. Bean.

Kaya hindi ako nagdalawang-isip na lapitan sila at agad kinuwelyuhan 'yung babaeng maarte. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Ano bang pakialam mo kung manonood ako ng Mr. Bean ha?" Taas kilay kong sabi.

"Bakit, totoo naman ha? Siguro, totoong baliw ka talaga." Sagot niya at tinaasan rin ako ng kilay.

Aba matapang talaga siya eh. Baka gusto niya talaga ng away. Pwes, hindi ko talaga siya aatrasan.

"Bago ka magsusungit sa harapan ko, kilalanin mo muna kung sinong kinakalaban mo, Pangit!" Seryoso kong sabi sabay higpit ng paghawak sa kwelyo niya.

"Bitiwan mo nga ako!" Inis niya sabi at pinipilit na na makawala siya sa'kin.

"Hindi kita bibitiwan hangga't hindi ka magsasabi ng sorry saakin." Napabuntong hininga siya.

"Bakit naman ako magsosorry sa'yo ha?" Matapang niyang sabi.

"Ayaw mo? Pwes, pagsisihan mo ang gagawin ko!" Sabi ko at itinulak siya kaya bumagsak siya sa sahig.

Lahat ng tao nakatingin na saamin. Nilapitan naman siya ng kasama niya at tinulungan itong makatayo.

"How dare you!" Sigaw niya.

"Ayaw mong magsorry diba?" Kibit balikat kong sabi.

Akmang tatalikuran ko na sana siya nang bigla siyang lumapit saakin at hinila ang buhok ko para sabunutan ako. Matagal din akong nakawala sa kanya at ang sakit ng pagkasabunot niya. Hindi ako makahanap ng paraan na gantihan siya kaya wala akong ibang ginawa kundi suntukin nalang siya sa tiyan.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon