Prologue

273 35 3
                                    

Prologue

Naranasan mo naba ang mawalan ng pag-asa?

Ang maging hopeless kay crush, sa exam o sa iyong pangarap. Hindi impossible na sa bilyon-bilyong tao dito sa mundo, naranasan ang mawalan ng pag-asa.

Nawalan ka ng pag-asa dahil sa pagmamahal, panghihina, pang-aapi at lahat ng ginagawa natin dito sa mundo. Madaling isipin ang lahat ng bagay, na kaya mo. Pero hindi mo man lang naisip kung ano ang patutunguhan at hirap na haharapin mo.

Gaya lang ng salitang pagmamahal. Kung maiisip natin ang salita na iyon ay iniisip agad natin ang kilig at saya na ibibigay ng isang tao. Pero hindi natin naisip na may panahong bigla nalang guguho ang mundo natin sa hindi inakalang pagsubok. Kaya minsan, nawawalan tayo ng pag-asa kasi hindi natin nakikita kung saan tayo mahina.

Ano pabang saysay na nandito tayo sa mundo kung lahat tayo mahina? Bakit nabuhay pa tayo dito sa mundo kung pinapahirapan man lang tayo? At bakit ibinigay pa saatin ang mga bagay na hindi naman natin kayang gawin?

Minsan, maraming katanungan na sumasagi saating isipan kung bakit gunu'n, ganito, ganyan. Pero sa lahat ng bagyong dumaan sa buhay natin, may bahaghari na nagbibigay kulay at tanda na sa lahat ng problemang ating dinaraanan ay may pag-asa parin para malutas ang lahat.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon