Chapter 35

63 9 0
                                    

Chapter 35

Pagkatapos ko sa kusina, inihanda ko na 'yung mga pagkain sa dining room. Hindi pa gising ang dalawang kambal kaya kailangan kong umakyat sa kwarto para gisingin sila. Hindi ko narin nakita si Matheo nang dumaan ako sa living room pero nakaandar parin 'yung tv. Kaya padabog ko itong pinatay. Kahit pagpatay nalang ng tv, napakatamad pa. Gusto niya talaga na ako pa ang gagawa.

Pagpasok ko ng kwarto, hindi ko na nakita sila Zian at Martha. Wala na sila sa kinahihigaan nila kaya hinanap ko si Matheo dahil baka kasama lang niya ang dalawa.

Narinig ko ang ingay na galing sa swimming pool kaya nagtungo ako du'n para makita kung anong ginagawa nila. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan silang tatlo na masayang naglalaro sa tubig. Nakasalbabida 'yung dalawa habang inalalayan naman ito ni Matheo. Hindi mawala ang ngiti sa mukha nila at umaalingawngaw pa ang boses nila sa kahalakhak.

"Sila ba ang mga apo namin?" Nagulat ako nang nasa tabi ko na pala ang Daddy ni Matheo habang nakatingin din ang dereksyon sa mga bata.

"A-ahh... Dad, dumating na pala kayo." Nagmano ako sa kanya at niyakap siya.

Nakita ko rin na papalapit dito si Mommy at kasama niya rin si Mavee at Shem. Wala parin silang pinagbago, ang ganda parin ni Mommy katulad ng dati at ang gwapo parin ng mga anak niya.

"Mommy." Nilapitan ko siya at niyakap ito. Ganu'n din ang ginawa niya saakin.

"Namiss kita, Zayna. Ang tagal mong nawala." Malambing niyang sabi. Kumalas ako sa pagyakap sa kanya.

"I'm sorry, Mommy." Napayuko ako. Hinawakan naman niya ako sa pisngi at inangat ito.

"You don't have to say sorry, darling. We all understand you." Ngiti niyang sabi. Sinuklian ko rin siya ng ngiti.

"Zayna, parang wala ka paring pinagbago. Sigurado kaba talagang may anak kana?" Nakangising sabi ni Shem. Natawa naman ako.

"Oo naman, kayo talaga." Natawa sila.

"Kailan kapa dumating?" Tanong ni Mavee.

"Nu'ng isang-araw lang kasama si Luke at 'yung mga bata." Napawi ang ngiti nila.

"Kasama mo si Luke?" Kunot noong sabi ni Shem.

Hindi pa yata nila alam kung ano ang totoo dahil baka hindi nabanggit ni Matheo sa kanila.

"Ahh... Oo. Kasama kami sa banda." Napanganga sila.

Bumaling ang tingin nila sa pool kung saan kasama ni Matheo 'yung mga bata. Nang makita kami ni Matheo, huminto sila sa paglalaro at umahon na sila sa tubig para lapitan kami.

"Iyan naba ang mga apo namin?" Tanong ni Mommy.

"Yes, Mom." Sagot ko.

"Grabe, hindi ako makapaniwala na may pamangkin na pala ako." Natawa ako sa sinabi ni Shem.

Nakahawak si Zian at Martha sa magkabilang kamay ni Matheo habang papalapit sila dito. Napakunot ang noo nila ng makita ang katabi ko na mga magulang ni Matheo.

"Who are they?" Kunot noong tanong ni Zian.

"Uhmm, Zian and Martha. Sila ang lolo at lola mo." Pakilala ni Matheo kina Mommy at Daddy sa mga bata. "At sila naman 'yung mga kapatid ko. Tawag sa kanila ay tito Shem at tito Mavee." Napanganga lang ang reaksyon ng dalawa.

"Hi, Zian at Martha." Ngiting sabi ni Mavee.

"Ang gaganda at gwapo naman pala ng mga apo ko." Sabi naman ni Daddy.

"Can I hug you, babies?" Malambing na tanong ni Mommy sa dalawa.

"You can't hug us." Nabigla kami sa sinabi ni Zian. "Our clothes are wet at baka mabasa 'yung damit mo." Nakahinga kami ng maluwag at napangiti sa sinabi ni Zian.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon