Chapter 37

60 8 0
                                    

Chapter 37

Kinabukasan, abala ako sa paglilinis dito sa buong bahay! Kami lang ni Matheo ang naiwan dito dahil umalis na sila Zian at Martha kasama ang lolo at lola nila papuntang Sates.

Nakakainis, hindi raw siya papasok sa trabaho ngayon at nandu'n lang siya sa kwarto na natutulog parin hanggang ngayon. Nanggigigil ako sa kanya eh. Sarap niyang sapakin.

'Yung totoo, ginawa ba niya akong domestic helper dito sa bahay na'to?!

Ako 'yung naghanda ng pagkain, naglinis ng banyo, sa kusina, sa kwarto, ako rin 'yung naglaba. Grabe, nakakahaggard na tapos walang magawa sa buhay si Matheo kundi ang matulog na parang patay! Sana nga hindi na siya magising at tuluyan ng... Joke lang.

"Tapos kana bang maglinis?" Napatalon ako nang bigla nalang siyang sumulpot at magsalita. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.

"Hindi mo ba nakikita ang ginagawa ko? Obvious namang naglilinis ako diba?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Napakibit balikat siya at nagpatuloy narin ako sa pag-ayos ng kama sa kwarto nila Zian at Martha.

"Hurry up, may lalakarin tayo." Aniya. Hinarap ko siya ulit.

"Wow, ang galing! Nagmamadali kapa talaga, bakit hindi mo nalang ako tulungan para matapos na ang lahat!" Inis kong sabi. "May pakulo kapa kasing nalalaman na pinaalis mo lahat ang kasambahay para ako ang gagawa!" Padabog kong inayos 'yung bedsheet sa kama.

Nakaka-stress na 'yung mga ginagawa ko eh. Kanina pa ako babad sa trabaho dito, limang oras na yata eh. Sino ba namang hindi maiinis sa ganu'n.

"Bilisan mo nalang kasi, may lalakarin tayo." Irita niyang sabi. "O di kaya'y 'wag mo nalang 'yan tapusin, mag-shower kana!"

"Bakit kaba nagmamadali ha? Gaano ba kaimportante 'yang lakad mo!" Reklamo ko.

"Malalaman mo rin mamaya." Napabuntong hininga nalang ako.

Hanggang ngayon, mahilig parin siyang mangsorpresa ng lakad. Sana lang talaga matuwa ako sa lakad niya. Baka dagdag stress na naman 'yan eh.

Tinapos ko parin ang ginagawa ko bago ako nagshower. Hinintay lang ako ni Matheo na matapos kasi kanina pa siya bihis na bihis. Formal lang naman 'yung sinuot niya, naka shorts siya hanggang tuhod at naka polo. Hindi parin talaga nawawala 'yung kagwapuhan niya, wala paring nagbabago. Siya parin 'yung Matheo na pinapangarap ng ibang babae.

Hindi nagtagal, natapos narin ako sa pag-ayos kaya lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan para puntahan na si Matheo sa labas kung saan siya naghihintay saakin.

Pagdating ko, Nakita ko siya kaagad na tinititigan ang buo kong katawan. Hindi nanga siya makagalaw sa lalim ng pagtitig niya saakin. Nakasuot ako ng hindi naman masyadong maikli na shorts tama lang at naka-sleeveless habang dala ko ang maliit kong shoulder bag.

"Buong maghapon kabang nakatunganga diyan?" Tinaasan ko siya ng kilay. Bumalik naman siya sa katotohanan. "Aalis ba tayo o hindi?" Kibit balikat kong tanong.

Hindi niya ako sinagot at agad na siyang pumasok sa driver's seat kaya pumasok narin ako. Hindi nagtagal, pinaandar na niya ang kotse at umalis na kami.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Huminga siya ng malalim bago ako sinagot.

"Magdate tayo." Lakas loob niyang sabi. Nagulat naman ako.

"Date?" Mahina kong sabi.

"Matagal na tayong hindi nagdadate, kaya magdate tayo." Napanganga ako.

Seryoso ba talaga siyang niyaya niya akong magdate kami ngayon? Kaya pala nagmamadali siya kanina kasi may plano siya. Umiwas ako ng tingin sa kanya at napakagat nalang ng labi. Hindi ko maitanggi sa sarili ko na kinilig ako sa sinabi niya. Kanina panga namumula  'yung pisngi ko.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon