Chapter 30

66 9 0
                                    

Chapter 30

"Sa Pilipinas na po ba tayo titira, Mommy?" Tanong ni Martha habang abala ako sa pag-empake ng gamit nila.

"No, baby. Uuwi rin tayo pagkatapos ng kontrata namin du'n." Sabi ko.

"Diba sabi mo, Mommy. Doon nakatira si Daddy?" Napahinto ako sa ginagawa ko sa tanong ni Zian.

"Uhmm... Y-yes. But I don't think so if we can see your Daddy there. Masyado siyang busy at ganu'n din ako." Napalunok nalang ako.

Nakita ko si Luke na nakasandal pala ito sa pintuan habang nakakibit balikat at nakikinig ng usapan namin. Patuloy lang ako sa paglagay ng mga gamit nila Zian at Martha sa kanya-kanya nilang maleta habang pinanuod naman nila ako.

"Kids, pwede bang iwanan niyo muna kami ng Mommy mo? May pag-uusapan lang kami." Sabi ni Luke sa mga bata.

"Okay, Daddy." Sumunod sila sa sinabi ni Luke at agad lumabas ng kwarto.

Sinara ni Luke 'yung pinto at nilock. Pagkatapos, naglakad siya papalapit saakin at umupo sa gilid.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ngayon." Aniya.

"Iniisip ko lang kung anong mangyayari kapag dumating na tayo sa Pinas." Sabi ko sabay sarado ng maleta.

"Hindi ka parin ba mapakali na baka makikita mo si Matheo?" Bumaling ang tingin ko sa kanya.

"Hindi sa ganu'n. Kung magkikita man kami, ayos lang saakin. Ang inaalala ko lang na kapag malaman niya 'yung totoo, baka ilalayo na niya saakin sila Zian at Martha." Pag-alala kong sabi.

"Zayna, kahit anong gawin mo makikilala parin nila ang totoo nilang ama. Malalaman din 'yun nilang lahat lalo na't kapatid ko siya." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Ewan ko ba, naguguluhan na ako eh. Gusto ko naman na makilala nila ang totoo nilang ama pero natatakot parin ako eh." Napanguso ako.

"Zayna, wag kang pangunahan ng takot. Andito naman ako sa tabi mo para tulungan ka at hinding-hindi ako mawawala." Napatingin ako sa kamay ko ng hinawakan niya 'yun.

"Salamat, Luke. Hanggang ngayon, hindi ka parin nagsasawang tulungan ako." Nginitian ko siya.

"Basta ikaw, Zayna. Andito ako palagi sa tabi mo dahil mahal kita." Napabuntong hininga ako at iniwasan siya ng tingin.

"Pasensya kana pero alam mo naman na hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo saakin, Luke." Umiwas din siya ng tingin saakin nang tumingin ako sa kanya.

Pilit siyang ngumiti pero hindi nagsisinungaling ang kanyang mga mata na malungkot siya.

"Sana ako nalang siya. Sana ako nalang ang nasa position ni Matheo para maramdaman ko rin ang pagmamahal na ibinigay mo sa kanya." Bumuntong hininga siya. "Napaka-unfair talaga ng tadhana. Kung sino pa 'yung nagmahal ng sobra, siya pa 'yung labis na nasasaktan."

Nakaramdam ako ng awa kay Luke. Naiintindihan ko siya dahil pareho kaming ng position. Pareho kaming hopeless. Balang araw maiintindihan din ni Luke kung bakit hindi ko sinusuklian ang pagmamahal niya. Maiintindihan niya rin kapag magmahal na siya ng iba.

Bukas na 'yung flight namin pauwing Pilipinas. Handa na ang lahat pero nagdadalawang-isip parin ako. Pero hindi naman pwedeng hindi ako sasama dahil vocalist ako ng banda.

Madaling isipin na hindi ko ipagkait ang mga anak ko kay Matheo pero kapag andiyan na, napakahirap palang gawin dahil maraming katanungan sa isip ko kung ano bang pwedeng mangyari. Ano kayang kahihinatnan ng magiging desisyon ko? Tama ba o mali ang gagawin ko?

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon