Chapter 34
Andito ako ngayon sa pool na kasalakuyang nakaupo sa gilid habang nakababa ang paa sa tubig. Kanina pa talaga ako nandito at hinintay nalang na gumabi. Bumalik narin kanina si Matheo sa office kasi may kailangan daw siyang tapusin saglit pero uuwi naman daw siya kaagad, 'yun ang narinig ko na sinabi niya sa mga bata.
Naalala ko 'yung sinabi niya saakin kanina. Hindi ako makapaniwala na seryoso talaga siya du'n. Gusto niya na wala na kaming kasambahay dito para ako ang gagawa lahat ng gawaing bahay. Iniisip ko palang, kinakabahan na ako kung anong mangyayari kasi hindi ko parin kabisado ang lahat ng gawaing bahay dahil nasanay akong may ibang gumagawa nu'n. Maliban nalang sa mga gusto nila Zian at Martha.
Paano ko rin magagawa ang sinabi niya na kailangan ko ng umalis sa banda? Akala niya siguro na madali lang 'yung sinasabi niya pero ang hirap lalo na't hindi siya ang magdedesisyon nu'n kundi ako. Kakaalis lang ni Drein sa banda tapos ako na naman.
Lumubog na ang araw kaya nagpasya narin akong pumasok na sa loob. Pag-akyat ko, dumaan muna ako sa kwarto nila Zian at Martha. Nakita kong mahimbing na ang tulog nila kaya hindi ko nalang sila inabala at dumeretso na sa kwarto.
Pagpasok ko, naiayos na pala nilang ilagay 'yung kama. Dalawa na ang kama, isa kay Matheo at isa para saakin.
Naalala ko si Luke na mag-isa nalang pala siya sa condo niya ngayon dahil wala dahil hindi na niya kami kasama. Kaya naisip kong tawagan siya para kumustahin. Umupo ako sa kama ko kasabay ng pag-dial ng number ni Luke sa cellphone. Hindi rin nagtagal, sinagot niya ang tawag ko.
"Hello, Luke." Sabi ko.
"Bakit, Zayna?" Aniya.
"Kumusta ka diyan sa condo mo? Maayos kalang ba?" Tanong ko sa kanya. Matagal din niyang hindi sinagot ang tanong ko.
"Y-yeah, I'm fine." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.
"I'm sorry, Luke. Kung hindi ka namin masasamahan diyan, sana maintindihan mo 'yung sinabi ni Matheo." Narinig kong napabuntong hininga siya.
"I understand, Zayna. Magkikita parin naman tayo sa bar." Bigla akong natahimik sa sinabi niya. Hindi niya pala alam na may balak na akong umalis. "Are you okay?"
"A-ahh... yes." Ngiti kong sagot.
"Sino 'yang kausap mo?" Napakurap ako nang marinig ko ang boses mi Matheo sa likuran.
Hindi ko alam na dumating na pala siya.
"Uhmm... Luke, ibaba ko na'to. Pasensya kana tatawagan nalang kita ulit." Sabi ko. Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Luke at ibinaba na ito.
Hinarap ko sa Matheo na nakatayo habang nakakibit balikat.
"Kinumusta ko lang si Luke." Sabi ko.
"Kumusta? Gaano naba kayo nagtagal nagkita? Wala pa namang isang-araw diba?" Taas kilay niyang sabi.
"I just call him kung maayos lang ba siya sa condo niya." Seryoso kong sabi.
"He's fine kahit hindi mo na siya kumustahin." Aniya at tinalikuran ako.
"Bakit ba ang sungit mo?" Napahinto siya "Bakit galit na galit ka kapag naririnig mo 'yung pangalan ni Luke?" Hinarap niya ako at seryosong tumingin.
"Because you both lied on me." Seryoso niyang sabi. Napailing naman ako.
"Parehas lang tayong may kasalanan, Matheo. Remember, nagsinungaling karin saakin." Taas kilay kong sabi.
"Pero mas matagal kang nawala." Aniya.
BINABASA MO ANG
Hopeless Wife
Romance[COMPLETE] Warning: Spg Zayna Channells, ang babaeng may pagkatigasin ng ulo na ipagkakasundo ng Daddy niya sa lalakeng kinaiinisan niya para matigil ang lahat ng kalokohang ginagawa niya. Matutunan kaya nilang magmahal sa Isa't-isa kung gayu'y pare...