Chapter 40
"Anong kailangan mo?"Seryoso kong sagot sa kabilang linya.
"Well, tumawag lang naman ako para ipaalam na ang himbing ng tulog ng asawa mo." Nakuha pa niyang humalakhak.
"Baliw kana talaga!" Sinigawan ko siya.
"Oo, Matheo. Baliw na baliw sa'yo!" Hindi talaga siya naubusan ng tawa. "Nagustuhan mo ba ang bakasyon ninyong dalawa ha, Matheo?"
"Ano bang pinaplano mo, Blaire!" Sa sobrang galit ko pati cellphone na hawak ko ay gusto ko ng sirain.
"Grabe ka naman, hindi panga nagsisimula ang laro. 'Wag kang excited, magsisimula pa naman eh." Ramdam ko na ngumisi siya. "Maybe, I'll call you again later. Bye!"
"Saan mo dinala--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol na niya ang linya.
Tama nga talaga ang hinala ko, hawak niya ngayon si Zayna. Nababaliw na talaga ang babaeng 'yun eh, ano pabang gusto niya?
Kailangan kong mahanap si Zayna sa madaling panahon. Hindi ko pwedeng ipagpalipas nalang ang gabing 'to dahil hindi ko alam kung anong gagawin ni Blaire sa kanya. Hinding-hindi ko talaga siya mapapatawad kapag sinaktan niya ang asawa ko. Kahit isumpa pa ako ng kalangitan, hindi ko siya patatawarin.
"Sir, paparating na po ang mga pulis dito para tumulong sa paghahanap." Tumango ako sa sinabi ng empleyado saakin.
Sinubukan kong kontakin sila Mommy at Daddy pati narin ang mga kapatid ko para ipaalam ang nangyayari pero hindi ko sila macontact maliban kay Luke. Papunta na raw siya dito.
"Anong oras ba tumawag ang suspect sa number mo?" Tanong ng pulis.
"Hindi pa masyadong matagal, kakatawag lang niya saakin mga kalahating oras ang lumipas." Sagot ko.
Sinubukan naming tawagan ulit 'yung number kanina pero hindi na ito sumagot. Nagriring naman pero hinayaan lang itong ma-drop ang tawag ko. Kailangan kasing sagutin niya ang tawag dahil ito lang ang paraan para ma track namin ang location kung saan niya dinala si Zayna.
Maya-maya, dumating narin si Luke. Sinabi ko lahat sa kanya kung ano ang nangyari. At kita rin sa kanyang mukha ang pag-aalala. Hindi rin siya makapaniwala na magagawa 'yun ni Blaire saamin. Siguro, dahil masyado ng obessess si Blaire. Masyado na siyang nababaliw kaya nakakaya niyang gumawa ng masama.
Hindi siya ang Blaire na nakilala ko at minahal ko noon. Siya ang nagturo saakin ng totoong pagmamahal pero sarili rin pala niya ang mabibiktima dahil sa kasakiman. Ibang-iba na siya ngayon.
Hinintay namin na tumawag ulit 'yung number na ginamit ni Blaire kanina. Ilang oras na kaming naghihintay at nakaramdam na ako ng antok pero hindi parin tumutunog 'yung cellphone ko. Gusto ko ng ipikit ang mga mata ko pero hindi talaga ako mapakali dahil baka kung ano na ang nangyari kay Zayna.
"Matheo, magpahinga ka muna." Umiling ako sa sinabi ni Luke.
"Hindi pwedeng wala akong gagawin ngayon, Luke. Nanganganib ang asawa ko ngayon." Pag-alala kong sabi.
"Kailangan mo ring magpalakas. Magtiwala kalang, mahanap din natin siya." Napabuntong hininga ako.
"Paano kapag nahanap natin siya, may nangyari ng masama sa kanya?" Kinunotan ko siya ng noo. "Sa tingin mo, makikita ko siya kapag nakatunganga lang ako dito?" Huminga siya ng malalim.
"Alam ko naman 'yun, hindi lang naman ikaw ang nag-aalala para sa kanya. Marami tayo, ang sinasabi ko lang ay kailangan mo rin mag-ipon ng lakas diyan sa katawan mo para handa mong harapin ang sino man na nagtangka sa buhay ni Zayna." Natahimik ako sa sinabi niya. "Wag mo ngang pairalin 'yang pride mo, Matheo. Makinig ka naman saakin kahit minsan lang at bilang kapatid mo narin." Iniwasan ko siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Hopeless Wife
Romance[COMPLETE] Warning: Spg Zayna Channells, ang babaeng may pagkatigasin ng ulo na ipagkakasundo ng Daddy niya sa lalakeng kinaiinisan niya para matigil ang lahat ng kalokohang ginagawa niya. Matutunan kaya nilang magmahal sa Isa't-isa kung gayu'y pare...