Chapter 25

60 9 4
                                    

Chapter 25

"Bakit hindi ka makasagot? Mahal mo paba si Blaire!" Napalunok siya sa sinabi ko.

Huminga siya ng malalim at dahan-dahang tumango.

"Oo, mahal ko pa siya hanggang ngayon." Sagot niya.

Bigla akong nanlumo sa sagot niya at halos hindi na ako makahinga ng maayos kasi napakasakit sa puso. Inaasahan ko na 'to noon bago pa kami ikinasal, at ito nanga nangayari na. Masakit tanggapin na ako 'yung kasama niya pero ibang babae ang nasa isip niya.

"Ako ba, minahal mo rin ba ako?" Deretso siyang tumingin sa mga mata ko.

"Mahal kita, Zayna. Kaya ikaw ang pinakasalan ko diba?" Kunot noo niyang sabi. Natawa naman ako.

"Pinakasalan o pinagtaksilan?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Please, patawarin mo na ako. Hinding-hindi ko na uulitin 'yun." Sinampal ko na naman siya ulit.

"Pinagmukha mo na akong tanga pero hinding-hindi ako maniniwala sa sorry mo." Nakita kong tumulo 'yung luha sa mga mata niya.

"Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawag mo ako? Gagawin ko lahat, mapatawad mo lang ako." Aniya at niyakap ako pero agad naman akong lumayo sa kanya.

"Sana naisip mo 'yan bago ka gumawa ng mas malaking problema, hindi ko akalain na ikaw rin pala ang gagawa ng paraan para masira ang relasyon natin. Dahil ba mas magaling siya saakin, mas magaling siya sa kama o mas..." Napapikit ako. "Mas maganda 'yung katawan niya kumpara saakin ha, Matheo!"

"H-hindi, Zayna. Nagkakamali ka." Aniya at nagpipigil ng emosyon.

"Then what's your fucking reason! Bakit mo nagawa saakin 'yun!" Sigaw ko.

"Because, I was t-temp." Sagot niya kasabay ang pagtulo ng luha niya.

"Bakit ibang-ibang kana? Nasaan na 'yung Matheo na nangako sa harap ng altar na kasama ako? Nasaan na 'yung mga salita niya na palaging sinasabi saakin na mahal niya ako."

Napahinga ako ng malalim at umiling. Gaano ba talaga kaahas ang babaeng 'yun para landiin ang asawa ko. Maswerte siya at hindi ko siya ngayon nakakaharap pero kapag nangyari 'yun at magtagpo ang landas naming dalawa, sisiguraduhin kong empyerno ang uwian niya.

"Nakakatawa na pinagsabay mo kaming dalawa kaya mamili ka, si Blaire na ex mong kabit o ako na asawa mo." Seryoso kong sabi.

"Zayna, 'wag naman tayong umabot sa ganito." Pagmamakaawa niya.

"Mahirap bang pumili saaming dalawa? Baka nakakalimutan mong ikaw ang nagsimula ng gulo." Walang ekspresyon kong sabi.

"Please, Zayna." Nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko.

"Nahihirapan kang pumili kasi mahal mo pa siya, madali lang naman akong kausap. Let's file an annulment." Nagulat siya sa sinabi ko.

"No, Zayna. Please, wag mo namang gawin saakin 'to. Ayusin naman natin oh." Pagmamakaawa niya at niyakap ako habang nakaluhod parin siya.

"Hindi ko kayang ayusin 'yung sitwasyon natin ngayon kung uulitin mo parin naman sa susunod." Walang ekspresyon kong sabi.

Akmang tatalikuran ko na sana siya pero tumayo siya at niyakap ako sa likuran.

"Ayaw kong mawala, Zayna. I'll promise na hinding-hindi ko na ulit 'yun uulitin ang pagkakamali ko sa'yo." Patuloy parin siya sa paghikbi.

"Too late, Matheo. Naisip mo sana ako kung gaano ako masasaktan kapag ginawa mo 'yun." Sabi ko sabay bitaw sa kamay niyang nakayakap saakin.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon