Chapter 31

57 10 4
                                    

Chapter 31

MATHEO'S POV

Andito kami ngayon sa main office kasama ang ibang miyembro ng board directors at kakatapos lang namin sa meeting namin.

Abala ang iba sa pag-uusap sa isa't-isa habang ako ay nanatili parin sa kinauupuan ko habang pinaglalaruan 'yung hawak kong ballpen.

"Excuse me, Sir. May importanteng sabihin si Sir Astriel sainyo." Sabi ni Loraine at ibinigay ang telepono saakin para sagutin ang tawag.

"Yes?" Sagot ko.

"They're already here. Kararating lang nila kagabi at kailangan mong pupunta mamaya dahil handa narin silang makilala ka." Sabi ni Astriel sa kabilang linya.

"Anong oras ba sila pupunta sa bar?" Tanong ko sabay tayo sa kinauupuan ko para lumabas na.

"Before lunch. Wala kana bang ibang appointments na pupuntahan?" Tanong niya.

"Meron pa but I'll find ways na makapunta diyan." Sabi ko.

"Sana makapunta ka, Matheo. Hindi mo pa sila nakikilala at nakita 'yung mga mukha nila." Aniya.

"It's okay, Astriel. Marami pang pagkakataon para makilala ko sila kung hindi ako makakapunta mamaya." Sakto naman ang dating ko sa loob ng office ko.

"Sabagay. Ibababa ko na'to, tatawagan kita ulit mamaya." Napatango pa ako.

"Okay." At naputol na ang linya.

Lumakad ako papunta sa sofa para sumandal muna at makapagpahinga. Sa pagpikit ng mga mata ko ay kasabay rin ng pagpasok ni Loraine sa pintuan. Hindi ko na siya pinansin dahil kabisado ko na kung bakit siya nandito.

"Sir, I would like to remind you that you have an appointment with Mr. Sai, one hour starting from now." Sabi niya.

"E-cancel mo lahat ng lakad ko ngayon." Nagulat siya sa sinabi ko.

"B-but, Sir. Mr. Sai was expected you to come--" Pag-alala niyang sabi.

"Gawan mo nalang ng paraan, Loraine. May importante akong pupuntahan." Napanganga nalang siya at pilit na tumango.

"Okay, Sir." Sabi niya bago lumabas.

Kailangan kong puntahan muna ang puntod ng ama ni Zayna dahil matagal ko na itong hindi nabibisita. Madalas ko siyang kinakausap dahil humihingi ako ng kapatawaran sa nagawa ko sa anak niya.

Ako nalang ang nag-aalaga sa puntod ng ama ni Zayna dahil hindi ko narin alam kung nasaan na siya ngayon. Umaasa rin ako na sana dalawin niya rin ang Daddy niya at baka-sakaling 'yun ang paraan na makita ko na siya ulit.

Hindi nagtagal, nakarating ako sa puntod ni Daddy. Napakunot nalang ang noo ko dahil may bagong naglagay na na bulaklak dito. Wala namang ibang naglalagay nito kung hindi ako lang.

Nakita ko si Manong na tagalinis dito na hindi lang kalayuan sa kinatatayuan ko kaya lumapit ako sa kanya para tanungin kung nakita ba niya ang naglagay ng bulaklak sa puntod ni Daddy. Napahinto naman siya sa pagwawalis nang makita niya akong papalapit sa kanya.

"Manong, nakita niyo po ba kung sino ang naglagay ng bulaklak du'n?" Tanong ko sabay turo sa puntod ni Daddy.

"Ahh, 'yun ba? Oo nakita ko kaninang may naglagay diyan." Sagot niya.

"Sino sila?" Pagtataka kong tanong.

"Kakaalis lang din nila, Sir. Akala ko nga po ikaw 'yung kasama ng isang babae kanina kasi kamukha mo 'yung lalake eh." Nagulat ako sa sinabi niya. "Hindi niyo ba sila kilala, Sir?" Napakunot ang noo niya.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon