Chapter 14
Pagkatapos kong isukat ang bridal gown, lumabas na kami ni Chancy sa VIP room. At nagtungo kung saan nakaupo si Matheo sa isang couch habang hinihintay kami.
"So, final na 'yung pinili mo. Ipapadala ko nalang 'yun before ng wedding including the hairstylist and make-up artist." Ani Chancy.
"No problem, Chancy." Sagot ko.
"Let's go." Malamig na sabi ni Matheo.
Nginitian ko si Chancy at hinalikan ito sa pisngi bago sumunod kay Matheo sa labas.
Paglabas ko, andu'n na pala siya sa loob ng kotse kaya pumasok narin ako dahil nagmamadali yata ang tandang ito. Agad akong pumasok at isinara naman kaagad.
Napakibit balikat nalang ako at hindi narin siya pinansin. Hinintay ko lang na papaandarin niya ang kotse. Akala niya siguro siya lang ang pwedeng magsungit ngayon. Very wrong!
Nakakainis siya. Pumunta pa kami dito kung ang bilis naman pala naming umuwi.
"Nagugutom ako." Tiningnan ko siya.
"Kakakain lang natin kanina nagugutom kana naman ulit?" Kunot noo kong sabi.
"Eh, nagugutom nga ako diba? Kaya humanap muna tayo ng malapit na restaurant dito bago tayo umuwi." Napabuntong hininga ako.
"Sa bahay ka nalang kumain o di kaya'y magpadeliver ka nalang." Dikit kilay kong sabi.
"Ang tagal pa nu'n." Aniya sabay paandar ng sasakyan.
Hindi na ako umimik at hinayaan nalang siya.
Habang nasa gitna kami ng byahe, tahimik lang kaming dalawa at niisa saamin walang umiimik kahit tunog ng musika ay wala. Hanggang sa nakahanap kami ng Jollibee na hindi rin naman masyadong malayo sa shop ni Chancy.
Pinarada niya muna ang sasakyan sa hilid bago kami lumabas at naglakad papasok sa loob. Naghanap siya ng table kung saan kami pupuwesto at pinili naman niya ang table na katabi ng glass wall.
Akmang uupo na sana ako kaso hinawakan niya ang braso ko para pigilang umupo.
"Ikaw na mag-order." Napanganga ako sa sinabi niya.
"Ako talaga ang inuutusan mo? Baka nakakalimutan mong ikaw 'yung gutom at hindi ako!" Reklamo ko.
"Ikaw nalang kasi, madali lang naman mag-order diba?" Aniya.
"Bakit hindi nalang ikaw ang gumawa?" Taas kilay kong sabi.
"Alam mo bang napagod ako sa kakahintay sa'yo kanina sa shop?" Tinaasan niya rin ako ng kilay.
"Napagod ka sa kakaupo mo sa couch?" Tumango siya dahilan ng pagkainis ng mukha ko.
Napahinga nalang ako ng malalim at padabog na umalis para mag-order ng kakainin namin. Pumila ako sa hindi naman masyadong mahaba na pila.
Bakit hindi nalang kasi sa kotse nalang kami kakain. Drive thru naman ito pero bakit mas pinili niya pang mag stay dito.
"Good morning, Ma'am. What's your order for today, Ma'am?" Sabi ng babaeng empleyado saakin nu'ng ako na ang kaharap niya.
"Give me a two sundae, two large fries, and one bucket of family meal." Kibit balikat kong sagot.
"Uhmm... Kasama niyo po ba ang poging lalakeng 'yun?" Bumaling ang tingin ko sa lalakeng itinuro niya.
At hindi nga ako nagkamali na si Matheo 'yung tinuro niya.
"Oo, kasama ko siya." Taas kilay kong sabi.
BINABASA MO ANG
Hopeless Wife
Romantizm[COMPLETE] Warning: Spg Zayna Channells, ang babaeng may pagkatigasin ng ulo na ipagkakasundo ng Daddy niya sa lalakeng kinaiinisan niya para matigil ang lahat ng kalokohang ginagawa niya. Matutunan kaya nilang magmahal sa Isa't-isa kung gayu'y pare...