Chapter 28
"Mommy, Mommy, wake up!"
"Mommy, come on. Gumising kana!"
Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko galing sa mga anak ko. Napatingin ako sa kanilang dalawa habang nagtatalon-talon sa hinigaan kong kama.
"The breakfast is ready. Come on, Mommy. Kumain na tayo." Sabi ni Zian at patuloy parin sa pagtalon.
"Mommy, halika na." Ani Martha sabay hila saakin para bumangon ako.
"Okay, fine. Kiss me first." Utos ko.
Lumapit silang dalawa saakin at niyakap ako habang hinalikan ng paulit-ulit ang buo kong mukha.
"Ang bango naman ng mga babies ko." Ngiti kong sabi sa kanila.
Napatingin kaming tatlo nang biglang bumukas 'yung pinto at nakita namin si luke na papasok dito.
"Good morning, guys!" Bati ni Luke saamin.
"Good morning, Daddy!" Bati naman ng dalawa.
"Halina kayo, kailangan na nating kumain para maaga tayong makaalis." Nakapamulsang sabi ni Luke.
"Aalis? May schedule ba tayo ngayon?" Kunot noo kong tanong.
"It's sunday and matagal na tayong hindi nakapag-bonding kaya..." Lumapad ang ngiti niya. "We're going now to the beach, babies!" Namangha ang dalawa sa sinabi ni Luke.
"Really, Daddy? Oh, I miss this!" Sabi ni Martha at nagpakarga kay Luke.
"Come here, Zian." Sabi ni Luke at kinuha si Zian para kargahin din.
Napangiti nalang ako habang tinitigan si Luke na karga ang dalawa kong anak. Ang saya siguro kapag si Matheo 'yung nasa position niya habang nilalambing ang mga anak namin. Sana kung hindi lang siya nagloko saakin nu'ng una, masaya siguro kami ngayon. Masaya sana ang mga anak ko na kayakap ng totoong ama nila.
"Zayna, let's go? Kakain na tayo." Sabi ni Luke at hinintay akong bumangon.
Umalis na ako sa kinahihigaan ko at sinundan si Luke palabas habang karga parin ang dalawang kambal. Pagpasok namin sa dining room, nakahanda na lahat ang pagkain sa mesa.
Inalalayan narin ng mga kasambahay sina Zian at Martha para kumain. Paborito nilang kainin 'yung bacon at 'yun ang madalas na nakahain kapag nag-aalmusal kami. Ang dami talagang namana sa kanila kay Matheo. Ang naman lang saakin ay buhok at ang kutis ng balat nila. Siguro, tama 'yung pinaniniwalaan nila na kapag may galit ka sa isang tao, magiging kamukha niya ang magiging anak mo. Hindi ako naniwala nu'n pero ito ngayon ang mga anak ko, kopyang-kopya ang mukha lalo na sa mga hilig at paboritong pagkain.
"Ubusin niyo na 'yung pagkain niyo para makaalis na tayo." Sabi ni Luke sa mga bata. Tumango naman sila.
"Teka, hindi pa nakahanda 'yung mga gamit na dadalhin natin." Sabi ko.
"It's all done, Zayna. Naimpake na lahat nila manang." Napanganga ako at tumango nalang.
Pagkatapos naming kumain, sumakay na sina Zian at Martha sa loob ng SUV na sasakyan namin papuntang beach. Mag-oovernight kami kaya bukas pa ang uwi namin. Nakahanda na lahat ng gamit namin kaya pwede na kaming sumakay para makaalis narin kami.
Habang nasa gitna kami ng byahe, sobrang ingay sa loob dahil sumasabay silang tatlo sa kanta na pinatugtog ni Luke. Si Luke 'yung nag drive at nasa front seat ako habang nasa likod naman ang dalawa.
"Baby you light up my world like nobody else..."
"The way you to flip your hair gets me overwhelmed..."
BINABASA MO ANG
Hopeless Wife
Romance[COMPLETE] Warning: Spg Zayna Channells, ang babaeng may pagkatigasin ng ulo na ipagkakasundo ng Daddy niya sa lalakeng kinaiinisan niya para matigil ang lahat ng kalokohang ginagawa niya. Matutunan kaya nilang magmahal sa Isa't-isa kung gayu'y pare...