Chapter 12

46 14 3
                                    

Chapter 12

WARNING SPG!

MATHEO'S POV

Kanina ko pa napapansin na nakailang baso na ng alak si Zayna. Hindi ko alam na umiinom pala siya. Lumapit ako sa kanya para tigilan na niya ang pag-inom kaya nagawa kong hilain siya at kinuha ang hawak noyang baso.

"What are you doing?" Reklamo niya.

"Hindi ka pwedeng uminom, Zayna." Seryoso kong sabi.

"Pwede ba tigilan mo muna ako. Gusto ko lang naman uminom." Napailing ako sa sinabi niya.

Hindi na talaga siya nahiya. Ang daming bisita tapos magsusungit siya dito.

"Tumigil kana kung ayaw halikan kita." Napabuntong hininga lang siya sa sinabi ko.

Medyo may pag-alala na si Winzy habang nakatingin saamin. Buti nalang talaga at abala 'yung ibang mga bisita kaya hindi sila nakatingin saamin at hindi naman masyadong malaki 'yung boses ni Zayna at dagdagan pa ng malakas na tunog ng music kaya hindi nila maririnig ang pagtatalo namin.

"Edi halikan mo ako kung gusto mo!" Lasing niyang sabi.

Hindi ako nagdalawang isip na idikit 'yung labi ko sa labi niya. Ramdam ko naman kung paano siya nagulat sa ginawa ko. Akala niya siguro na hindi ko gagawin ang sinabi niya.

Sabay naming ipinikit ang mga mata namin at nagfucos lang sa paghalik. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya nakuha kong kagatin ang dila niya. Wala na akong pakialam kung maraming taong nakakita saamin.

Ang importante ay fiance ko narin siya kaya wala silang magagawa.

Dahan-dahan akong kumalas sa paghalik at bigla nalang akong natawa dahil nakapikit parin siya. Nagulat nalang ako nang unti-unti siyang babagsak sa sahig. Mabuti nalang at nasalo ko siya.

Naamoy ko pa ang alak na ininom niya nang bigla siyang huminga. Lasing nanga talaga siya.

Kinarga ko siya para iuwi na sa bahay dahil nakatulog na siya sa kalasingan niya. Nagpaalam narin ako kina Mommy at sa Daddy ni Zayna na kailangan na naming umuwi. Pumayag din naman sila dahil kita nila sa sitwasyon ni Zayna na kailangan na talaga niyang magpahinga.

Paglabas namin ng hotel, sinalubong ako ng driver namin para ibigay saakin ang susi dahil ako ang magmamaneho. Inalalayan narin niya ako na ipasok si Zayna sa loob ng kotse.

Pagkatapos nu'n, umikot ako sa driver seat at agad pumasok para paandarin ang kotse. Habang nasa gitna kami ng byahe, palipat-lipat ang tingin ko sa harap ng manibela at kay Zayna.

Ang himbing parin talaga ng tulog niya habang nakasandal siya sa kinauupuan niya. Ang bait-bait niya kapag natutulog pero parang halimaw kung magsungit.

Bigla kong naalala ang sinabi ko kanina sa harap ng maraming tao. Actually, totoo talaga ang lahat ng iyon pero ewan ko kung maniniwala si Zayna. Hindi ko pa naman siya mahal pero unti-unti ko na siyang nagustuhan. Hindi sa kung anong meron sa itsura niya na maganda siya pero unti-unti akong nahuhulog sa kanya kapag sinusungitan niya ako.

Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Nauna akong bumaba ng kotse at sinalubong naman kaagad ako ng mga kasambahay namin para alalayan ako.

Kinarga ko si Zayna at mahimbing parin ang tulog habang dala naman ng mga kasambahay ang shoulder bag niya.

Pagpasok ko, dumeretso ako sa master bedroom para ihiga na si Zayna. Sumunod din naman ang kasambahay para ibigay 'yung gamit ni Zayna.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon