Chapter 29

63 11 1
                                    

Chapter 29

MATHEO'S POV

"Excuse me, Sir. Dala ko na po 'yung pinapagawa niyong mga papers."

Pumasok ang isang babae na dala ang mga papeles. Habang abala kaming dalawa ni Loraine sa mga ginagawa namin.

"Okay, ilagay mo diyan." Sagot ko.

"Sir, you have a meeting with Mr. Villanueva at four o'clock." Sabi ni Loraine.

"Copy." Tipid kong sagot.

Maya-maya bumukas na naman ang pintuan at pumasok ang manager ko sa bar.

"May nakuha na akong grupo ng banda para pampalit natin." Bungad niya saakin.

"Okay, good. Napirmahan naba nila ang kontrata?" Sabi ko habang nakatitig parin sa laptop.

"Yes, napirmahan na ng manager nila. Siguro mga one week before, andito na sila." Napakunot ang noo ko.

"What? Bakit ang tagal naman yata nu'n. Walang tutugtog sa bar kapag wala pa sila." Reklamo ko.

"Don't worry, Matheo. Willing naman 'yung old bands na tumugtog muna bago ang dating ng bagong kinuha natin." Napahinga nalang ako ng malalim at tumango nalang.

Hindi na kasi nagrenew 'yung dating banda na kinuha namin dahil kulang na 'yung members nila kasi may issue raw about sa vocalist nila kaya humanap kami ngayon ng bago.

Si Astriel, ang manager ko ang nagpursiging humanap dahil busy ako sa pagtrabaho dito sa kompanya. Hindi ko pa nga nakita 'yung mga mukha nila kung sino o anong pangalan ng banda nila but I'm sure na magaling sila.

"Kailangan makita ka nila, Matheo. Para makilala nila ang owner ng Zayth. They're from New York and Pilipino silang lahat." Tumango ako.

"Just call me kung kailan ako makikipagkita sa kanila." Tumango siya.

"Alright." Aniya at lumabas na.

Napasandal nalang ako sa kinauupuan ko at huminga ng malalim. Araw-araw ganito ang nangyayari. Marami akong ginagawa at ilang oras lang din ang pahinga ko.

Seven years na ang nakalipas magmula nu'ng nawala si Zayna saakin dahil sa malaking kasalanan na ginawa ko. Hanggang ngayon, hindi ko parin siya mahanap. Ni hindi ko nga alam kung may kasama naba siyang ibang lalake pero naniniwala ako na hindi niya 'yun magagawa dahil sa harap ng batas ay kasal parin kami.

Akala ko ipapawalang bisa niya 'yung kasal naming dalawa pero hindi niya ginawa. Miss na miss ko na siya at kahit matagal ko na siyang hindi nakikita, hindi ko na nagawang pagtaksilan siya ulit.

"Busy?" Inangat ko ang tingin ko nang makita ko si Daddy.

"Hey, Dad." Tumayo ako sa kinauupuan ko para batiin siya. Niyakap ko siya at nagmano.

"How's your day?" Tanong niya.

"As usual, babad parin sa trabaho." Walang ekspresyon kong sabi at bumalik sa kinauupuan ko.

"Wala ba kayong balak magkakatapid na bumisita sa bahay? Nagrereklamo na ang Mommy niyo na puro nalang kayo trabahong lahat." Nginitian ko siya.

"Bibisita naman kami, Dad. Kapag hindi na busy." Napailing siya sa sagot ko.

"Hayy naku, bakit hindi niyo nalang kasi kami bigyan ng apo. Dalawa na kayo ni Mavee ang may asawa pero wala paring apo." Malungkot niyang sabi.

"Only Mavee, Dad. Mine, are still Lost and not found." Sabi ko at habang nagtitipa sa laptop.

"You deserve it and you don't have to be blame her why she left you. You hurted her so much so she need space to think as well." Napabuntong hininga ako.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon