Chapter 5

79 24 7
                                    

Chapter 5

Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinarap si tanda.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito, ha?" Nakapamewang kong sabi.

"Sa'yo ba 'tong foodhall para pagbawalan mo kaming kumain dito." Taas kilay niyang sabi.

"May sinabi ba akong akin 'to?" Tinaasan ko rin siya ng kilay.

Ibang klase rin siya no, nagdala pa siya ng mga kasamahan niya dito. Kasama niya si Lukariah at ang tatlo niyang kapatid. Siguro naduduwag siya kaya dinala niya 'yan dito.

"Hi, Winzy! Pwede bang makisalo sa table niyo?" Ngiting sabi ni Matheo kay Winzy.

"Hindi pwede. Bawal kasama ang matanda dito sa table namin." Seryoso kong sabi. Natawa naman ang mga kapatid niya.

"Ikaw ba tinatanong ko, ha? Assumera karin minsan eh, no?" Taas kilay niyang sabi.

"Sure! You can join us, boys." Bumaling ang tingin ko kay Winzy dahil pumayag siya.

Sinamaan ko nalang siya ng tingin pero nakangisi naman siya.

"Alright! Pwede na tayong maupo." Ngising sabi ni Matheo at sunod-sunod naman silang umupo sa table namin.

Ang kapal talaga ng mukha niya.

Wala na akong magagawa kundi tanggapin nalang na makakasabay namin sila sa pag kain ngayon.

"Zayna, maupo kana." Sabi ni Luke saakin.

Tumango nalang ako at bumalik sa kinauupuan ko.

Tiningnan ko ng masama si Matheo na nakaupo sa kaharap kong upuan. Hindi parin mawala ang nakangisi niyang mukha. Umiwas nalang ako ng tingin dahil nababadtrip ako kapag nakikita ko 'yung mukha niya.

"Uhmm... Zayna, I would like you to meet them. This is Shem, Mavee, and Lukariah. And guys, meet Zayna Channells and Winzy Smith." Pakilala saamin ni Luke at nakipagkamay sa isa't-isa.

"Nice to meet you, Zayna." Sinuklian ko ng ngiti si Mavee.

"I saw your post last night Zayna, on your facebook account." Ani Shem.

Siguro nakita niya sa timeline ko dahil nakapublic 'yung account ko.

"Ang alin du'n sa inupload ko?" Tanong ko.

"Yung nakasuot ka ng bikini." Ngising sabi ni Mavee.

Nahuli ko namang siniko siya nito ni Luke ng patago.

"Oh, really? Actually, last pa year pa yun. I forgot to upload it kaya nag throwback ako kahapon." Ngiti kong sagot.

Bumaling ang tingin ko kay Matheo na sobrang sama ng tingin saakin. Ano na naman kaya ang problema niya at bakit para siyang halimaw kung makatingin. Well, I don't care. Makuha nalang siya sa tingin.

"Are you a Model?" Napawi ang ngiti ko sa tanong ni Lukariah dahil may naalala lang ako.

"Y-yeah, she was a model ten years ago." Si Winzy na ang sumagot.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon