Chapter 41

56 8 7
                                    

Chapter 41

Habang hindi pa bumabalik sila Blaire dito, naghanap ako ng paraan kung paano ako makawala dito sa tinali nilang lubid saakin. Medyo mahirap dahil hindi siya basta-bastang matatanggal dahil sa kapal nito. Kung hindi ako makakatakas ngayon, hindi malabong papatayin ako ni Blaire.

Saktong may nakita akong matulis na bagay na hindi rin masyadong malayo sa kinapuwestuhan ko. Mahirap lang talaga akong makagalaw pero kakayanin kong makalapit du'n.

Sinubukan kong iusad ang upuan. Nakausad naman ako pero kaunti lang. Sinubukan ko pa ng paulit ng paulit ng paulit at nakahinga ako ng maluwag nang makalapit na ako. Hindi ko talaga inasahan na mangyayari 'to sa buhay ko. Kailangan ko pang mabuhay para sa mga anak ko at pati narin kay Matheo.

Inilapit ko ang nakatali kong kamay sa matulis na bagay para maputol 'yung tali. Hindi agad ito naputol kasi ang higpit ng pagkatali. Hindi nagtagal, nagawa ko ng putulin 'yung tali. Binilisan ko narin ang pagtanggal ng mga lubid na nakatali rin sa paa at sa bewang ko. Matagal-tagal din akong natapos at buti nalang hindi pa bumalik si Blaire. Kaya pagkatapos kong makawala sa upuan, dali-dali na akong umalis.

Hindi ko alam kung saan ang daan paalis dito dahil puro puntod ang nakikita ko at nakakoral ang paligid. Hindi ko rin kabisado dahil ngayon lang ako nakapunta sa lugar na'to. Hindi ko nga alam na may ganitong sementeryo pala dito.

May nakita akong hallway kaya doon ako dumaan. Pagdating ko sa dulo, doon ko nakita ang napakalaking gate. Siguro, ito na yata ang daan para makalabas.

"At saan ka pupunta?" Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Blaire.

Bigla nalang akong napabagsak sa sahig nang hinampas niya ako ng tubo sa katawan kaya nawalan ako ng malay.

"Kahit anong gawin mo, hindi kana makakatakas dito!" Nanlabo na ang paningin ko sa kanya. "Kunin niyo na 'yan!" Huling narinig ko kay Blaire bago tuluyang nawala na ang paningin ko.

Napakunot ang noo ko na wala akong makita kahit anong bagay sa paligid pero ang daming bumubulong na boses sa paligid ko.

"Wag kang sumuko."

"Ito na ang katapusan mo, Zayna."

"Lumaban ka."

"Zayna."

"Zayna, wag kang sumuko."

Bigla kong idinilat ang mata ko at isa lang pala 'yung panaginip. Nagtaka ako kung bakit ako nakahiga sa isang kabaong. Pagkakita ko sa itaas, nakita ko si Blaire na tiningnan lang ako dito. Akmang babangon sana ako pero hindi ko nagawa dahil nakatali na naman ang paa at kamay ko.

"Ang ganda mo namang tingnan, Zayna." Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang saya tingnan na matutulog ka ngayon sa kabaong." Ngumisi siya.

"Blaire, tama na! Tigilan mo na 'tong ginagawa mo!" Tumulo ang luha sa gilid ng mga mata ko.

"Auhhh, nakakaawa ka naman." Ngumuso siya. "Pasensya na, pero kailangan ko 'tong gawin eh." Napahikbi na ako. "Wag kang mag-alala, ako ng bahala sa dalawa mong anak at pati narin sa pinakamamahal mong asawa!" Tumawa siya.

"Walang hiya ka! Kahit mamatay pa ako, hinding-hindi ako makakapayag na makalapit ka sa kanila!" Sigaw ko.

"Talaga? Pano mo gagawin 'yun eh, patay kana?" Tinaasan niya ako ng kilay. "It's okay, Zayna. Ayos lang naman saaking maging step mother ng mga anak mo at maging loving wife ni Matheo. What do you think? Ang gandang pakinggan diba?" Ngumiti siya at mas lalong nainis pa ako.

"Hayop ka talaga, Blaire. Demonyo ka!" Galit kong sabi.

"Sige, murahin mo lang ako ng murahin diyan. Wala na akong pakialam dahil ito na ang huling araw mo dito sa mundo kaya sulitin mo na, Zayna." Kumuha siya ng pirasong buhangin at tinapon ito saakin. "Well, the time is now over. Rest in peace, Zayna Channells-Adelson." Nginitian pa niya ako bago niya inutusan ang tauhan niya na ilibing akong buhay.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon