Chapter 36
"What?!" Nagulat ako sa reaksyon nila.
"Seryoso kaba, Zayna? Aalis kana sa banda?!" Gulat na sabi ni Henri na may halong pagkainis.
"Yes." Mahina kong sabi.
Nabuntong hininga siya at napahilamos nalang sa kanyang mukha. Pati sila Oreo, Elson at Luke ay hindi ako matignan ng deretso sa mga mata ko. Hindi maitago sa kanilang mukha na galit sila saakin.
"Ano ba naman 'yan, Zayna. Kakaalis lang ni Drein, susunod ka naman?" Inis na sabi ni Oreo.
"A-ang sabi naman ni Matheo, nakahanap na raw siya ng pampalit saakin." Sabi ko pero hindi nila ako pinansin.
"Nagpapatawa kaba? Sa tingin mo, madali lang 'yang sinasabi mong pampalit? For your information, hindi porket aalis ka ay basta-basta ka nalang kumuha ng pampalit para sa'yo." Napabuntong hininga si Henri. "Hindi 'yan katulad ng tubig na nasa baso na kapag naubos mo ay pwede mo ng palitan ulit!" Napapikit nalang ako at huminga malalim.
Tiningnan ko si Luke pero umiwas siya ng tingin saakin. Mahirap naman talaga na iiwan ko nalang sila kaagad. Hindi makukumpleto ang ZOEL kapag wala ako. Pero mas kailangan ako ng asawa at anak ko ngayon. Sinunod ko lang naman 'yung gusto ni Matheo at alam ko rin na mahirap ito para sa kanila.
"Guys, I'm sorry--." Naputol ang sasabihin ko nang sumabat si Elson.
"Hindi mababalik ang lahat sa simpleng sorry mo, Zayna." Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko sa sinabi ni Elson. "Ang layo na ng narating natin tapos iiwan mo lang kami sa dulo?! Damn!" Napayuko nalang ako para hindi nila makita ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko.
"Ito na 'yung sinasabi ko eh, dapat nu'ng una palang hindi ikaw 'yung pinili naming vocalist!" Seryosong sabi ni Oreo.
"I trust you, Zayna. I thought you're an independent woman tapos ngayon, susuko kana?! Akala ko ba pangarap mo ito!" Sermon ni Henri saakin.
Ang sakit na marinig ang mga binitawan nilang salita galing mismo sa kanila. Hindi ko lubos akalain na kaya pala nila itong sabihin saakin. Nasanay ako na mabait silang tao at ni minsan man ay hindi ako nagawang pagsalitaan ng masakit na salita.
Naisip ko na tama ba talaga na sinunod ko si Matheo? Tama bang sundin ang sarili kong asawa kesa sa ibang tao? Alam kong hindi nila matatanggap ang desisyon ko. Hindi maiguhit ang mukha nila sa galit saakin.
Mas masaklap ang ginawa nilang pagtakwil saakin. Pagkatapos nila akong pagsalitaan ng hindi magandang salita ay hindi na nila pinakinggan ang paliwanag ko. Deretso na nila akong pinaalis at hinayaang lumabas hanggang sa hindi na nila ako nakita.
Ang sakit na ang mga matalik mong kaibigan ay sila rin pala ang tataboy sa'yo sa huli. Hindi man lang nila pinakinggan kung ano ang sitwasyon ko. Hindi man lang nila inintindi kung anong nararamdaman ko. Siguro, dahil sawa na silang makinig sa mga excuse ko kasi lahat naman nagsasawa.
Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na pumasok ako sa isang Cafeteria. Mag-oorder na sana ako nang may tumawag saakin sa likuran na boses babae. Dahan-dahan ko siyang nilingon para makita ang mukha niya. Nagulat nalang ako na makita ko si Winzy.
"Winzy?" Gulat kong sabi.
"Sabi ko nanga ba ikaw 'yan eh!" Ngiti niyang sabi.
Hindi ako makapaniwala na sa tagal na ng panahon ay makikita ko siya ulit. Pitong taon narin kasing wala kaming komunikasyong dalawa.
Nag-order kaming dalawa ng kakainin namin at humanap ng table para pumwesto at makapag-uusap din.
"Kumusta kana? Grabe, ang laki ng pinagbago mo ah." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Hopeless Wife
Romance[COMPLETE] Warning: Spg Zayna Channells, ang babaeng may pagkatigasin ng ulo na ipagkakasundo ng Daddy niya sa lalakeng kinaiinisan niya para matigil ang lahat ng kalokohang ginagawa niya. Matutunan kaya nilang magmahal sa Isa't-isa kung gayu'y pare...