Chapter 24
Kasalukuyan kaming nasa Cafeteria kasama parin silang apat. Napagod din sila kakahintay saakin kanina galing sa audition kaya nilibre ko nalang sila para hindi naman sila mabagot.
"Sana makasali ka sa club nila, Zayna." Sabi ni Winzy.
"Ayos lang naman saakin kung hindi ako tatanggapain nila." Napanguso ako.
"Maganda naman talaga 'yung boses mo, Zayna. Baka kukunin ka nilang vocalist diba?" Ani Shem.
Napangiti nalang ako sa mga puri nila saakin.
"Masaya ako na nakasama kita sa audition mo ngayon, Zayna." Ngiting sabi ni Luke.
"Bakit? Ano bang meron, Luke?" Kunot noong tanong ni Winzy.
Natahimik kaming lahat at nakatitig lang kay Luke habang hinihintay ang sagot niya.
"Aalis na ako bukas papuntang New York." Napanganga kaming dalawa ni Winzy.
"W-why?" Utal kong tanong.
"We're going to have a concert with my bands but I wanna live in New york for good." Walang ekspresyon na tingnan siya ng mga kapatid niya.
May banda sila Luke at kasama niya rin ito sa school namin. Mataas na ang narating nila kaya sikat sila kahit saan man sila magpunta at marami ring kumukuha sa kanila katulad ng mga bars, weddings, party at iba pa.
"Hindi kana ba talaga babalik dito?" Kunot noo kong sabi.
"Hindi pa 'yan nakaplano sa ngayon. Fucos muna ako sa magaganap na concert at pagkatapos, du'n na ako magdedecide." Napatango nalang ako.
"Grabe ka naman, Luke. Iiwanan mo talaga kami." Malungkot na sabi ni Winzy.
"Don't worry, girls. Andito pa kaming dalawa ni Shem na poprotektahan ang dalawa naming prinsesa." Napangiti kaming dalawa ni Winzy sa sinabi ni Mavee.
"Take care, Luke." Ngiti kong sabi sa kanya.
Natahimik sila habang nagkatitigan lang kami ni Luke sa mata.
Syempre, mamimiss ko rin si Luke dahil isa siya sa naging totoo kong kaibigan at sinusuportahan ako palagi kahit sa anong desisyon ko, pati narin sa mga kalokohan.
Minsan kapag tinitigan ko siya sa mukha, para siyang si Matheo lalo na kapag nakaside-view siya. Magkahawig naman talaga silang apat dahil magkakapatid sila. Magkaiba lang talaga sila ng hairstyle at ang shape ng mukha pero kung titigan mo ay parang magkambal ang apat.
Tumambay lang kami dito sa Cafeteria hanggang maghapon. Wala kasi kaming planong umuwi lalo na ako dahil kahit uuwi pa ako ay hindi ko parin naman makikita si Matheo kasi matagal siyang makauwi ngayon.
Naalala ko na kasama niya pala si Blaire ngayon. Medyo hindi ako napapanatag kapag naiisip kong kasama na naman niya ang babaeng 'yun pero may tiwala naman ako sa kanya kaya hindi ko dapat siya pagdudahan.
Akmang tatayo na sana ako sa kinauupuan ko dahil aalis na kami nang biglang mahulog ang isang baso sa sahig at nabasag ito. Bigla akong nakaramdam ng kaba at panginginig habang tinitingnan 'yun, na para bang may hindi magandang mangyayari.
"Zayna, are you okay?" Dali-daling lumapit si Luke saakin habang nag-aalala.
"Y-yeah, n-nahulog lang 'yung baso." Sagot ko.
"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" Pag-alalang sabi ng waiter saakin.
"Y-yes, ayos lang ako. I'm really sorry kung nabasag ko 'yung baso, babayaran ko nalang." Sabi ko at akmang kukuha ng pera sa bag pero pinigilan niya ako.

BINABASA MO ANG
Hopeless Wife
Romance[COMPLETE] Warning: Spg Zayna Channells, ang babaeng may pagkatigasin ng ulo na ipagkakasundo ng Daddy niya sa lalakeng kinaiinisan niya para matigil ang lahat ng kalokohang ginagawa niya. Matutunan kaya nilang magmahal sa Isa't-isa kung gayu'y pare...