Chapter 23

54 9 2
                                    

Chapter 23

Gabi na akong nakauwi ng bahay dahil namasyal pa kami kasama sina Winzy at ang tatlong magkakapatid. Sila narin ang naghatid saakin papunta dito sa bahay dahil hindi ko tinawagan ang driver.

"Bye, Zayna!" Sabi nila nang makalabas na ako sa kotse.

Kinawayan ko sila bago unalis ang sinakyan nilang kotse.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob. Napatigil nalang ako nang makita si Matheo na napakibit balikat habang nakaabang saakin sa may pintuan.

"Saan kana naman galing?" Walang ekspresyon niyang sabi.

"Kasama ko ang mga kapatid mo at si Winzy. Namasyal lang kami." Mahinahon komg sagot.

"Namasyal? Alam mo ba kung anong oras na?" Kinunotan niya ako ng noo. Tumango nalang ako.

Hanggang ngayon galit pa pala siya saakin.

"Matheo, I'm sorry--"

"Pumasok kana sa loob." Seryoso niyang sabi at tinalikuran ako.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa kanya. Sobrang sakit na kahit normal mo lang na nakakausap ang asawa mo pero parang itinataboy na niya ako papalayo.

Hindi ko na siya maintindihan kung bakit ang bilis niyang magalit saakin ngayon. Nu'ng una kasi, siya ang unang maglalambing saakin kahit ako naman 'yung may kasalanan pero ngayon, binabalewala nalang niya ako.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto, andu'n na siya sa kama at natulog habang nakabalot ng kumot ang buong katawan niya. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama para tumabi sa kanya at hinawakan ang pisngi niya.

Habang ginagawa ko 'yun, bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko.

"M-Matheo, I'm sorry. Sana hindi kana magalit saakin. Alam mo bang nasasaktan ako kapag tinataboy mo ako o hindi pinapansin na para nalang hangin. Isang araw mo palang 'tong ginagawa pero sobrang sakit na, paano pa kaya kapag nagtagal 'yang galit mo saakin diyan sa puso mo. Kasalanan ko naman 'yun talaga pero sana kung nakikinig kaman saakin ngayon, sana hindi lilipas ang gabi na'to at mapatawad mo na ako." Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na maiyak.

Umasa ako na gigising siya at yakapin ako at papatawarin pero ang himbing na ng tulog niya. Hahayaan nalang niya na sisikat ang araw kahit may kirot pang nararamdaman ang puso ko. And I was thinking to myself that I am hopeless.

Pinahiran ko muna ang luha ko bago ako umalis sa kinauupuan ko. At humiga du'n sa kabila na katabi parin niya.

Paghiga ko, akmang yayakapin ko na sana siya pero bigla siyang gumalaw at tinalikuran ako. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siya na tulog o totoo talaga. Napalunok nalang ako bago ipinikit ang aking mga mata para makatulog na.

Kinabukasan, maaga paring pumasok sa trabaho si Matheo. Sabado ngayon pero pumasok parin siya. Bumangon narin ako dahil may kailangan akong pupuntahan, ngayon kasi kami pupunta nila Winzy kung saan gaganapin ang sinalihan naming music club. Gusto ko kasing sumali para pambawi sa grades ko at para narin matuwa si Matheo sa ginagawa ko kaya sinuportahan narin ako nila Winzy at ang tatlong makakapatid.

"Where are you going?" Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Matheo galing sa likuran. Hinarap ko naman siya.

"Uhmm... May pupuntahan lang kami nila Winzy at ng mga kapatid mo." Sagot ko.

"It's saturday at wala kang pasok ngayon." Walang ekspresyon niyang sabi.

"May sasalihan akong music club para sa school namin." Napakibit balikat siya.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon