Chapter 16

53 14 0
                                    

Chapter 16

ZAYNA'S POV

Kinaumagahan, nagising ako na wala na si Matheo sa tabi ko. Medyo nakaramdam ako ng sakit sa ulo ko dahil lasing pala ako kagabi.

Bumaling ang tingin ko sa mesa nang may maliit na papel na na iniwan du'n. Kinuha ko naman agad ito para basahin kung anong nakasulat sa papel.

"Good morning. Hindi na kita inabala sa pagtulog mo at huwag mo na akong hanapin dahil nauna na akong pumunta dito sa hotel. Wag mong kalimutang mag breakfast bago ka magpaayos."

-Matheo

Napangiti ako sa binilin niyang sulat para saakin. Umalis na ako kama at agad lumabas ng kwarto para magtungo sa dining room. Pagdating ko, nakahanda na lahat ang pagkain sa mesa. Binati naman nila ako ng congratulations dahil araw ng kasal ko ngayon. Hindi rin mawala sa mukha ko ang ngiti ng mga labi ko dahil hindi ko maitanggi sa sarili na masaya talaga ako ngayong araw.

Habang abala ako sa pag kain dito sa dining room, nakita ko na papasok na sina Chancy dito kasama ang make-up artist at hairstylist na mag-aayos saakin ngayon. May kasama rin siyang isang Photo Journalist para kukuha raw saakin ng documents. Pumayag naman ako dahil invited ang mga media sa kasal namin kaya walang problema.

Nauna na silang umakyat papunta sa kwarto at dali-dali ko naring inubos ang kinain ko para makasunod na sa kanila. Tumayo ako sa kinauupuan ko at umakyat na kaagad papasok ng kwarto.

Pagbukas ko ng pinto, nakahanda na ang lahat pati ang gown na susuotin ko habang kinukunan ito ng litrato ng journalist.

Naghintay ulit sila saakin ng thirty minutes para ihanda ko ang sarili ko bago ako ayusan. Nagshower ako ng matagal sa banyo. Actually, kanina pa talaga ako natapos pero hindi pa ako handang lumabas dahil kinakabahan ako.

Ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng ganito. Siguro, normal lang talaga ito kapag ikakasal kana.

Pilit kong pakalmahin ang sarili ko bago ako lumabas ng banyo. Paglabas ko, kanina pa pala nila ako hinihintay para ayusan na.

Kaya umupo na ako sa nireserve nilang upuan para saakin. Napalingon ako sa paligid at nagtaka kung bakit wala na si Chancy. Tatlo nalang pala silang naiwan dito.

"Where's Chancy?" Tanong ko.

"Kakaalis lang niya, Ma'am. May appointment pa raw kasi siya sa iba niyang client pero pupunta naman daw siya sa Wedding ceremony mamaya." Napatango nalang ako.

Napasandal nalang ako sa upuan at hinayaan sila na ayusan ako. Ito 'yung araw na nagpaayos ulit ako sa ibang tao. Si Mommy ang huling nag-ayos saakin nu'ng mag birthday ako. Kada taon niya akong inaayusan pero hindi na 'yun naulit nu'ng pumanaw na siya.

Kaya simula nu'n, sarili ko nalang ang nag-aayos sa sarili ko at pinangako ni Mommy saakin na sa kasal ko ay sana makita raw niyang inaayusan ako ng iba. Masakit kasi hindi ko siya kasama ngayon pero alam ko naman na masaya siya na nakikita niya ako ngayon.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin nang matapos na sila sa pag-ayos saakin. Idinikit pa nila ang mukha nila saakin at ngumiti.

"You're so beautiful, Ma'am." Ngiti ng sabi ng bakla na nag-ayos sa buhok ko.

"Yeah, sigurado talaga akong mapanganga ang fiance mo kapag naglalakad kana sa aisle." Sabin naman ng make-up artist.

Sinuklian ko nalang sila ng ngiti. Pinatayo naman nila ako sa kinauupuan ko dahil kailangan ko na raw suotin ang gown. Tinulungan nila akong dalawa na suotin 'yun. Medyo mahirap kasi ang dami pang pasikot-sikot pero naisuot ko rin naman siya sa wakas.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon