Chapter 19
ZAYNA'S POV
Habang nasa loob na kami ng eroplano, hindi ko parin pinapansin si Matheo. Maski tingnan siya ng deretso sa mata ay hindi ko nagawa. Masakit lang kasi talaga isipin na makikita ko si Matheo na kausap si Blaire. Kahit sinong tao naman kapag ganu'n 'yung nangyari ay masasaktan din. Tanga nalang siguro ang hindi makaramdam nu'n.
Naramdaman kong sinubukan ni Matheo na isandal 'yung ulo niya sa balikat ko pero iniwas ko naman agad. Sinubukan pa niya ulit pero hinarap ko na siya at binatukan.
"Bakit ba ang kulit mo?" Kunot noo kong sabi.
"Bakit kaba nagtatampo saakin?" Sabi niya at ngumuso.
Iniwasan ko nalang siya sabay irap sa kanya. Akala niya siguro makukuha ako sa simple niyang paglalambing. Well, nagkakamali siya. Hindi pa niya alam na matampuhin talaga akong babae kaya magtiis siya.
Nakahinga na ako ng maluwag nang hindi na niya ako inabala. Bumaling ang tingin ko sa kanya at mahimbing na pala ang pagtulog niya habang nakalagay ang earphones sa tenga niya.
Hinayaan ko nalang siya at ipinikit muna ang mga mata para makatulog muna.
Hindi nagtagal, nagising ako nang mapansin kong naglanding na 'yung eroplanong sinakyan namin. Nakita ko kasi dahil nasa gilid parin ako ng bintana nakaupo. Pagtingin ko kay Matheo, mahimbing parin 'yung tulog niya kaya niyugyog ko siya para magising dahil nakarating na kami ng Pilipinas.
Gusto ko sana siyang hindi na gisingin at iwan dito pero may awa parin ako sa kanya kaya hindi ko ginawa. Pagkagising niya, tumayo na ako at hindi na siya hinintay pa.
Paglabas namin, parang nananaginip lang ako na pumunta kami ng Japan. Wala pa kasing isang araw umuwi kaagad kami. And one hundred percent na hindi ako masaya sa naging honeymoon namin. Nakakainis naman kasi 'tong si Blaire na basta-basta nalang sumusulpot.
"Dumaan muna tayo sa restaurant, nagugutom ako eh." Sabi ni Matheo habang naglalakad kami palabas ng Airport.
"Dumaan ka mag-isa, sa bahay na ako kakain." Walang ekspresyon kong sabi.
Narinig ko naman siyang huminga ng malalim at hindi nalang nagsalita pa. Alam niya kasing nagtatampo parin ako sa kanya kaya hindi niya magawang magalit saakin.
Pagdating namin sa labas, sinalubong kami ng driver namin at ibinigay niya ang susi kay Matheo dahil siya raw ang magmamaneho. Kinuha narin ng driver ang bagahe na hawak ni Matheo at inilagay ito sa likuran ngkotse. Hindi naman ako nagdadalawang isip na pumasok agad sa front seat habang siya ay umikot din sa driver's seat.
Sa totoo lang, gusto ko siyang kausapin pero nangingibabaw parin ang tampo ko sa kanya kaya pilit ko siyang iniiwasan para hindi ko siya makausap.
"Hey, I'm sorry." Rinig kong sabi niya.
Bigla nalang akong nakuryente nang hinawakan niya ang kamay ko kaya tiningnan ko siya.
"I'm sorry, Zayna. Hindi ko naman intensyon na saktan ka at nagkataon lang naman na nakita ko si Blaire." Paliwanag niya.
"Ayaw ko muna pag-usapan 'yan, Matheo. Pagod ako at gusto ko munang magpahinga." Sabi ko sabay alis ng kamay ko sa kanya.
Hinayaan nalang niya ako at deretso ang tingin niya sa harap ng manibela.
Pagdating namin ng bahay, nakita namin na may nakaparada na SUV sa garahe. At alam namin kung kanino 'yun. Andito ang mga magulang ni Matheo.
Sabay kaming bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Napanganga kami sa ginawa ng mommy ni Matheo. Abala ang mga maids sa paglagay ng ibang mga gamit at pag dekorasyon sa paligid. Mas maganda na ito kesa nu'ng una.
BINABASA MO ANG
Hopeless Wife
Romance[COMPLETE] Warning: Spg Zayna Channells, ang babaeng may pagkatigasin ng ulo na ipagkakasundo ng Daddy niya sa lalakeng kinaiinisan niya para matigil ang lahat ng kalokohang ginagawa niya. Matutunan kaya nilang magmahal sa Isa't-isa kung gayu'y pare...