Chapter 9

62 23 6
                                    

Chapter 9

MATHEO'S POV

Andito ako ngayon sa lobby kasama ang tatlo kong mga kapatid. Nagpumilit kasi silang pumunta dito dahil gusto raw nilang makita kung anong itsura ng bahay namin.

"Kumusta ang unang araw ninyong dalawa dito sa mansion?" Kabit balikat na tanong ni Shem.

"Unang araw palang pero nakakasakit na ng ulo." Walang ekspresyon kong sabi.

"At bakit naman?" Nakangising tanong ni Mavee.

"Ang tigas ng ulo ng babaeng 'yun, papakainin nanga lang ayaw pang makinig." Reklamo ko.

"Ayaw mo ba sa kanya? Maswerte ka nga at siya ang mapapangasawa mo." Napatingin kaming lahat kay Luke.

"Bakit, may gusto kaba kay Zayna?" Tanong ni Mavee.

"Naisip ko lang na maayos naman siyang mapapangasawa ni Matheo." Tumango silang dalawa maliban saakin.

Alam kong sinabi 'yun ni Luke dahil may gusto siya kay Zayna matagal na. Hindi niya lang talaga maamin.

"Akala mo lang talaga na maayos siya pero siya ang pinaka-weird na babaeng nakilala ko." Sabi ko sabay iling.

"Masasanay karin, bro." Ani Shem.

"Shem is right, Matheo. Sa umpisa lang 'yan mahirap pero kapag nagtagal matutunan niyo ring mahalin ang isa't-isa." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Mavee.

"Impossibleng mangyari 'yang sinasabi mo." Sabi ko.

"Bakit, iniisip mo parin si Blaire kahit si Zayna naman ang kasama mo?" Seryoso na sabi ni Luke.

"What do you mean?" Kunot noo kong tanong.

"Come on, Matheo! Alam kong hindi parin mawala sa isip mo si Blaire kasi mahal mo pa siya diba?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Alam ko na kung saan na naman ang tutungo ang usapan na'to.

"Wala kang alam kaya 'wag mo akong husgahan." Seryoso kong sabi.

"Wala akong alam? Hindi ba totoo naman ang sinasabi ko diba?" Nang-aasar na naman siya.

"Luke, enough." Saway ni Mavee.

"Alam mo bang masasaktan mo si Zayna kapag ginawa mo 'yan?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano bang problema mo?" Umiling siya.

"Matheo, magiging asawa mo na si Zayna pero iba paring babae ang laman ng isip mo! Ganyan kana ba ka manhid para magpakatanga sa babaeng katulad ni Blaire?!"

Nilapitan ko siya at agad na kinuwelyuhan. Hinigpitan ko pa ang paghawak kaya napaangat siya ng konti.

"Wag kang makialam sa buhay ko, Luke. Magkapatid lang tayo pero magkaiba parin tayo ng gusto." Seryoso kong sabi.

"Magkaiba nga tayo kasi manhid ka at hindi ako katulad mo na nakakasakit na ng tao." Sagot niya.

Akmang susuntukin ko na sana siya sa mukha pero inawat nila kaming dalawa ni Luke.

"Magsitigil na nga kayong dalawa!" Saway ulit ni Mavee.

"Alam ko namang gusto mo siya diba? Kaya naiinggit ka saakin dahil ako ang mapapangasawa niya at hindi ikaw!" Taas kilay kong sabi dahilan na mas lalo siyang nainis.

Akmang susugurin na niya sana ako pero mahigpit ang paghawak ni Shem sa kanya kaya hindi siya nakawala.

"Oo gusto ko nga siya kaya anong pakialam mo kung nag-aalala ako sa kanya ha? Wala ka namang pakialam sa kanya diba?" Sagot niya.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon