Chapter 10

77 21 12
                                    

Chapter 10

Pagpasok ko sa loob, sinigurado kong naka-lock talaga 'yung pinto dahil baka maulit na naman ang nangyari kanina. Binilisan ko narin ang pagligo dahil gusto ko na talagang humiga sa kama para makapagpahinga.

Ilang minuto ang lumipas, natapos narin ako. Paglabas ko, bumungad kaagad saakin ang katawan ni Matheo habang nakahiga siya sa kama. I see his half body naked that make it him so hot. Lalo na 'yung makita ko ang eight packs abs niya.

Parang matutunaw na yata ako sa kakatitig sa kanya.

"Buong gabi kabang tatayo at nakatulala diyan?" Bigla akong bumalik sa katotohanan nang marinig ko ang boses niya.

"A-ano bang pinagsasabi mo? Syempre, hindi. Tanga karin talaga minsan." Kunot noo kong sabi.

"Tsk, manang ka talaga." Aniya at binalot ang sarili sa kumot.

Hindi ko nalang din siya pinansin at nagtungo sa closet para makapagbihis na. Hindi rin naman niya ako makikita dahil patago ang closet namin dito sa loob ng kwarto kaya ayos lang kahit maghubad pa ako.

Nagbihis ako ng pantulog at pagkatapos nagblower sa basa kong buhok. Hindi kasi pwedeng matutulog nalang akong hindi natutuyo lalo na na sobrang taas at wavy kong buhok.

Pagkatapos ng lahat, handa na akong matulog pero hindi ko kayang humiga sa kama na katabi si tanda. Kaya naisip kong gawin ay itabi ang sofa sa kama para du'n siya hihiga.

Hinila ko ang sofa papalapit sa kama. Pinagpawisan pa ako dahil sobrang bigat nito. Hindi rin naman nagtagal, naitabo ko ito sa gilid ng kama.

Pagkatapos nu'n, si Matheo na naman ang poproblemahin ko ngayon dahil kailangan ko siyang ilipat sa sofa. Ang himbing pa naman ng tulog niya. Para siyang bangkay. Kulang nalang siguro ay kabaong para ilibing na siya.

Dahan-dahan ko siyang hinila si Matheo para mailagay na siya. Ang tagal kong natapos kasi bawat hila ko sa kanya ay bigla siyang gagalaw at ang bigat pa niya.

Wala naman kasing laban ang payat kong katawan sa maskulado niyang katawan. Kulang nalang siguro ay mabali ang buto ko sa kakahila sa kanya.

Pagkatapos ko siyang nailagay, nakahinga na ako ng maluwag at wala talaga siyang malay sa ginawa ko sa kanya. Sana forever na siyang ganyan at hindi na magising pa.

Finally, makakatulog narin ako ng mahimbing sa napakalaki at malambot na kama.

"Sweet dreams, tanda." Nakakaasar kong sabi.

Pagkatapos, ay humiga na sa kama at binalot ng kumot ang katawan.

Kinaumagahan, dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko dahil nakaramdam ako ng bigat sa katawan. Napakunot ang noo ko kung ano 'yung nakayakap saakin at bakit napakainit kahit may aircon naman. Hindi rin siya kumot dahil sobrang bigat niya.

Tiningnan ko kung ano 'yun at laking gulat ko nalang na nakayakap pala saakin si Matheo. Bigla nalang akong napatalon at sumigaw dahilan ng pagkagulat din niya kaya nagising siya bigla.

Mas lalo akong kinabahan at hindi mapalagay nang makita ang damit ko pang-itaas na nakabukas na ang tatlong butones nito at kitang-kita na ang dibdib ko.

"Anong ginawa mo saakin?" Sabi ko sabay hampas sa kanya ng unan.

"Sira kaba? Ano bang pinagsasabi mo ha?" Pagtataka niyang tanong.

"Bakit kaba nakayakap saakin at bakit nakabukas na 'yung... 'Yung butones ng damit ko!" Inis kong sabi.

"Yan ba ang pinag-alala mo? Hoy, manang! Kung iniisip mong pinagsamantalan kita kagabi, nagkakamali ka. Tumabi lang ako sa'yo kasi pati kumot ko inangkin mo na." Napanganga ako sa sinabi niya. "Alam mo bang ginaw na ginaw na ako kagabi ha? At 'yang damit mo, sarili mo naman ang may gawa niyan. Nainitan ka kagabi kaya tinanggal mo ang butones ng damit mo!"

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon