Chapter 22

56 11 10
                                    

Chapter 22

Kinabukasan, maaga parin akong nagising para papasok sa trabaho. Bumaling ang tingin ko kay Zayna na mahimbing parin ang tulog. Hindi ko na siya ginising pa dahil si Manang nalang ang bahalang gigising sa kanya mamaya para pumasok ng school.

Pagkatapos kong ihanda ang sarili ko, lumabas ako ng kwarto para kakain muna ng almusal. Hindi kasi ako nakakain ng maayos kagabi kaya nakaramdam ako ng gutom ngayon.

Pagpasok ko sa dining room, nakahanda na ang pagkain. Agad naman akong umupo at akmang hahawakan ko na sana ang tinidor na nasa gilid pero napahinto ako nang biglang tumutunog ang cellphone na nasa bulsa ko.

Nagtaka ako kung bakit tumawag 'yung dean sa school ni Zayna. Sinagot ko naman ito.

"Yes, hello?" Sagot ko sa kabilang linya.

"Is this Mr. Adelson, the husband of Ms. Zayna Channells-Adelson?" Sabi ng Dean.

"Oo, ako nga. Bakit kayo napatawag?" Kunot noo kong tanong.

"I saw your wife yeterday. Late siyang pumasok ng school at umuwi rin agad. I'm going to send you the video kung anong ginagawa ng asawa mo labas." Nagulat ako sa sinabi ng Dean.

Akala ko nasa school siya kahapon. Nagcutting classes na naman siya ulit.

"Okay, Dean. Thanks for your information." Sabi ko at pinutol niya agad ang linya.

Pagbaba ko ng cellphone, may nag pop-up nalang bigla na notification sa itaas at message 'yun na pinadala na video ng dean.

Pagplay ko ng video, gulat na gulat ako sa nakita sa ginawa ni Zayna kahapon. Nakipagsabunutan siya sa babae du'n sa mall at mas lalo akong nagalit sa ginawa niya nang sinuntok niya sa tiyan ang babae dahilan ng pagkaupo nito sa sahig.

Napahilamos nalang ako sa mukha at umiling. Hindi ko akalain na magagawa 'yun ni Zayna. Akala ko ba nagbago na siya at hindi na siya 'yung Zayna na isip bata.

Narinig kong may taong pababa ng hagdan at alam kong si Zayna 'yun. Alam ko rin na papunta siya dito kaya hindi ko na siya hinarap at hinintay na uupo siya dito.

"Matheo!" Nakangiti niyang sabi at nilapitan ako para halikan ako sa pisngi.

Umupo naman siya agad sa kaharap kong upuan habang seryoso akong tumingin sa kanya.

"Hindi kapa ba papasok sa trabaho?" Kunot noo niyang sabi.

"We need to talk, Zayna." Napawi ang ngiti niya na makita akong seryoso.

"Anong pag-uusapan natin?" Huminga ako ng malalim.

"Tumawag saakin ang dean ng school niyo. Nagcutting ka raw kahapon at nakipag-away sa labas." Seryoso kong sabi. Umiwas naman siya.

"Pinalabas ako ng Professor kaya pumunta nalang kami ni Winzy sa mall." Napailing ako sa sinabi niya.

"Dinamay mo naman si Winzy sa mga kalokohan mo." Tiningnan niya ako.

"Pareho kaming pinalabas at hindi ko siya dinamay sa away namin." Napakurap siya nang bigla kong hinampas ang mesa dahil sa galit ko.

"Kailan kapa ba titigil diyan sa mga kalokohan mo, Zayna. Kailan kapa ba titino? Ang tigas talaga ng ulo mo!" Nagulat siya at biglang namuo ang luha sa mga mata niya.

"Bakit kaba ganyan?" Pagpigil niya sa emosyon niya.

"Kasi hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko, Zayna. Ang dami kong problema sa office pero dumagdag kapa!" Bigla nalang tumulo ang luha niya.

Umiwas nalang ako ng tingin dahil hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak. Pati mga kasambahay namin na nakakita ay nagulat din sa inasal ko. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na magalit dahil hindi ko na alam kung makakaya ko pa ba lahat ng problema na dinadala ko at dagdag pa ang asawa ko.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon