Chapter 27

66 10 4
                                    

Chapter 27

SEVEN YEARS LATER...

Kasama ko si Zayna pati ang dalawa niyang anak na kambal. Hindi na siya muling bumalik sa Pilipinas dahil hindi pa raw siya handa at lalong natatakot siya na baka aagawin nalang ni Matheo ang mga anak niya sa kanya. Nu'ng pinagbuntis pa niya ang dalawang ito, napakahirap dahil ako ang tumayong tatay nito sa kanila.

Ako ang tumulong kay Zayna para hindi siya mahirapan. Hindi rin alam ng mga magulang at mga kapatid ko na nandito si Zayna saakin. Patuloy parin sila sa paghahanap sa kanya pero senekreto ko ito dahil 'yun ang gusto ni Zayna. Kahit mga kaibigan namin ay hindi alam kung nasaan siya.

Hindi pa siya handa na harapin si Matheo. Pero ngayon, wala na kaming masyadong balita sa kanila. Hindi na namin sila masyadong nacommunicate dahil busy kaming dalawa ni Zayna sa mga gigs. Kasama ko kasi si Zayna sa banda namin, pumasok siya bilang vocalist ng team namin dahil 'yun ang gusto niya habang ako naman ay guitarist.

Two years palang siya simula nu'ng pumasok siya sa team dahil kailangan niyang alagaan muna ang mga kambal dahil mahirap na mailayo ang dalawa. Lalake at babae 'yung anak niya at kuhang-kuha nila ang mukha ni Matheo. Parang photo copy lang ang mukha nila galing sa kanilang totoong ama.

Zian Mario Adelson ang pangalan ng lalake at Martha Zeyn Adelson naman ang babae. Ako ang kinilala nilang ama pero alam naman nila na hindi talaga ako ang totoo. Ayaw kasi ni Zayna na maging selfish kay Matheo dahil alam naman niyang darating ang panahon na makikilala rin ng mga bata ang totoo nilang ama. Pinakilala lang ako ni Zayna na magiging Daddy muna nila pansamantala para maiwasan ang pambubully sa school sa kanila. Hindi rin naman nahahalata dahil magkahawig din kami ni Matheo at pareho ng apelyedo kaya pinapakilala rin namin sa public na mag-asawa kami ni Zayna.

"Daddy!!" Bungad ng dalawang kambal nang makapasok ako sa loob ng bahay.

Sabay silang yumakap sa magkabila kong paa. Natutuwa ako kapag nakikita ko ang dalawa na masaya. Kahit mga pamangkin ko lang sila ay tinuring ko na silang para kong tunay kong anak.

"Hello, babies! I brought a chocolates for you." Ngiti kong sabi at pinakita ang isang paper bag na may laman na chocolates.

"Wow! You brought my favorite, Daddy!" Ngiting sabi ni Martha.

"Come on, Daddy. Please, teach me how to play your giant electric guitar!" Ani Zian sabay hila sa damit ko.

"Later, baby. Just eat your chocolates first." Sagot ko. Napasimangot naman siya.

Pagkuha nila ng chocolate, kinuha ito ni Zayna kaya napasimangot ang dalawa.

"Before you'll eat this, drink your milk first." Walang magawa ang dalawang bata kundi sumunod sa utos ng kanilang ina.

Sinundan ito ng tingin ni Zayna habang papunta ang dalawa sa kusina. Pagkatapos, bumaling ang tingin niya saakin kaya nilapitan ko siya para halikan sa pisngi.

"How's your day?" Tanong niya.

"Maayos naman, hinanap ka ng manager natin kanina. Hindi niya kasi alam na excuse ka." Sabi ko.

"Gusto ko nangang bumalik na sa pagkanta eh. It's been a month na hindi ako nakakasama sa mga gigs ninyo." Sabi niya at napanguso.

"Sabi ko naman sa'yo, 'wag mo munang iprioritize ang banda. Mas kailangan ka ng mga anak mo kaya pagbigyan mo muna sila." Ngumiti siya at tumango.

Ayaw ko kasi muna na sasama siya sa mga gigs namin dahil mas gusto ko na inaalagaan niya 'yung mga anak niya. Nalulungkot kasi ang dalawa kapag hindi nila kasama ang Mommy nila. Meron naman kaming kasambahay, pinay rin siya at namasukan siya saamin bilang domestic helper.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon