Chapter 2

176 16 1
                                        

Work

*

Kinabukasan, nagising ako sa alarm ko. Oo nag-alarm ako kagabi, and guess what? Alas sais pa lang! Ganon ako ka early bird. Ugh! Di pa naman ako sanay na maaga gumigising. Grr.

Bumangon ako sa kama at nag stretch ng konti nang may biglang kumatok.

Huh? Wala naman akong inaasahang bisita ah?

Naglakad ako papunta sa may pinto at agad binuksan iyon. Tumambad sa akin ang isang babae na nakasuot ng pantrabaho niyang damit at may dala-dala siyang tray na mga pagkain. I wonder, she's working from this hotel, huh?

"Good morning po ma'am!" sabay pasok niya sa room ko at nilapag ang dala-dala niyang tray sa may counter.

Ay hala siya! Hindi ko siya pinapapasok ah!

"I'm from this hotel po and sabi ni Ms. Aika na within eight am nandito na raw po ang susundo sainyo." ngiti niya. "Okay lang po ba tong dinala kong breakfast sainyo ma'am? Wala pong bawal sainyo jan?"

Umiling ako.

"Ay wala po ate, kumakain po ako ng kahit ano."

"Okay sige po." aniya at tsaka lumabas.

May ganito pala rito? Akala ko ako ang magsisilbi hindi ako ang pagsisilbihan! Mygosh! Char.

Kumain na ako at pagkatapos ay naligo na rin at nagbihis habang hinihintay ang oras.

Nang matapos ako ay naupo ako sa may sofa at inaayos ang mga gamit ko. Di naman masyadong nagulo yon, tinupi ko lang yung pinagbihisan ko kanina.

Ang bilis ng panahon noh? Parang kahapon lang nandon pa ako kila Mamshi at Papshi pa ako e, tas nakikipag-asaran pa ako kina Joaquin at Leo eh.

Sa gitna ng mga pinag-iisip ko may kumatok nanaman. Ano ba to? Chos.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad nanaman sa akin si ate na naghatid ng pagkain ko kanina.

"Hi ulit ma'am! Nasa baba na po ang van na maghahatid sainyo sa pagta'trabahuan nyo." masayang tugon niya.

Tumango ako at agad kinuha ang bag ko at sumabay na kay ate pababa.

"Sasama ka po ba sa paghatid ate?" tanong ko sakanya nang makasakay kami sa elevator.

"Ay hindi po Ma'am ihahatid ko lang po kayo sa parking. Naghihintay ang maghahatid sayo roon."

Tumango ako.

"Sakop po ba ng kabilang kompanya tong hotel na to?" tanong ko nang may maalala.

She looked at me smiling.

"Yes po ma'am! Pero yung anak dapat ni Ms. Garcia ang mag ha'handle nito eh kasi si Ms. Garcia nasa kabila na. Nakakapagod kaya kapag dalawa ang hina'handle." aniya.

Ano? May anak si Ms. Garcia? Bakit? Paano? Miss? Ha? Nakakaloka naman!

"Ano? May anak si Ms. Garcia? Akala ko dalaga pa yon sya ah?" lito kong tanong.

"Meron noh, si sir— Mang Roberto!" putol niya ng may tinawag sa di kalayuan.

Nakalabas na pala kami ng elevator! At nasa parking na! Ganon na ba ako ka'chismosa ha? Kaloka!

"Nandito na po si Ms—" sabag baling niya sa akin. Nagtatanong.

"Leandra po ate."

Lost In Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon