Chapter 22

61 6 4
                                    

Super like

*

"You should sleep and take a rest," basag niya sa ilang minutong katahimikan.

Awkward ko namang nilayo ang sarili ko sakanya at bahagyang tumango.

Tumayo kaming dalawa at pinagpagan ko ang damit ko, naiilang ng tumingin sa kanya ngayon. Ano ba naman kasi yung pinag-gagawa niya.

"Uh.." di ako makahanap ng salita.

"Good night," aniya bago ako iniwan ron at dumiretso na siya sa loob.

Lagi niyang ginagawa yon! Naiwan nanaman akong nakatayo rito habang pinagmamasdan siyang palayo sa akin.

"I'll be here. I'll listen.."

Nung mga oras na iyon hindi ko alam kung dinadamayan niya ba ako dahil kaibigan niya ako o ano? Alam ko namang mabait siya kahit na minsan may saltik yon kaya naisip ko na baka ganon nga lang talaga siguro siya pati sa iba.

Gusto ko lang siya kaya siguro ganon na lang ang pag kabog ng puso ko. Sabi naman ni Mikoy, lumalakas ang pagtibok ng puso niya kapag nakikita niya ang taong mahal niya. Ganon din naman ako eh kaso alam ko sa sarili ko na mawawala rin to.

Humikab ako nang makaramdam ako ng antok. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng maid's quarter bago nahiga sa kama ko. Tahimik na ang buong bahay kaya ipinikit ko na ang aking mga mata. Sa pagpikit ko ng aking mga mata, isang tao lang ang tumatakbo sa isip ko bago ako nakatulog.



*
"Kitty! Ano ba! Habangbuhay nalang ba tayong matutulog? Bangon na!"

Ako yung late natulog kagabi pero tignan niyo naman kung sino ang tulog mantika ngayon.

"Aga-aga pa eh.." inaantok niyang tugon.

"Ang dami mo talagang sinasabi! Bangon na kase," hila ko sakanya sa taas ng doubledeck.

Tamad siyang bumangon at kinusot-kusot pa ang mga mata niya.

"Ano ba yan? Ang aga-aga, nagsisisgawan nanaman kayong dalawa," ani Mikoy na nasa pinto na ng kwarto namin ngayon.

May nakasabit na tuwalya sa balikat niya habang nagsisipilyo siya.

"Hindi pa nga nakakaligo yan si Mikoy oh," reklamo ni Kitty habang bumababa sa itaas ng doubledeck. "Tabi ka nga jan,"

Lumabas siya ng kwarto habang si Mikoy nagtataka naman na inasta ni Kitty.

"Problema non.." aniya sabay alis.

"Cute niyong dalawa!" pang-aasar ko.

Nakuha ko na nga pala yung sweldo ko nung nakaraan. Hindi ko naman inaasahan na doble nga pala talaga! Nakakakonsensya tuloy dahil nag-apply ako rito para alagaan si Nico ang kaso ilang buwan na mawawala ang matabang bata na yun. Nakakamiss naman. Nagulat pa nga ako dahil si pangalan ni Sir Ethan ang nakalagay don. Pagkatanggap ko ng pera, agad ko namang ipinadala yun kay Kyla para maibigay niya kay Mamshi.

Nakausap ko na rin si Leo kahapon, ang saya ng boses niya. Halatang walang dinaramdam na sakit.



*Ate! Kamusta ka?* bungad niya sa kabilang linya.

Napangiti naman ako. Ang sigla naman niya.

"Ako nga dapat magtanong niyan eh. Ikaw? Kamusta kana?"

Lost In Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon