Manila
*
Paano ko mailalarawan ang lugar na'to? Mainit! Napakainit! Grabe! Ang traffic pa tapos yung mga gusali rito? Kulang nalang abutin yung langit sa sobrang taas e.
Manila. Home of tall buildings, polluted air and many more na hinding-hindi mo mararanasan sa Probinsya.
Probinsya. Naalala ko nanaman ang pamilya ko roon. Si Mamsi, si Papsi at tsaka ang nga kapatid ko.
*
"Sigurado kana ba talaga, anak?" ani Mamshi na naluluha na.
Nandito kami ngayon sa terminal ng bus dahil ihahatid daw nila ako. Ang sabi ko ay ayos lang naman kahit wag na pero nagpumilit pa rin sila.
Ang mga kapatid ko at si Papshi ay nasa gilid lamang.
"Mamsh, babalik naman po ako rito pag nakapag'ipon po ako" ngiti ko kay Mamshi. "Tsaka magpapadala na rin po ako para sa pag-aaral nila Joaquin at Leo at para na rin sa ibang gastusin rito Mamshi. Tutulong po ako sainyo ni Papshi." sabay baling ko kay Papa.
"Wag kana umiyak Mamshi, masisira beauty natin niyan sige ka." dagdag ko pa na pinipilit ngitian ang Mamshi ko.
Lumapit si Papshi sa akin at niyakap ako.
This time pinigilan ko ang iyak. Sa kanilang dalawa ni Mamshi ay mas close ako kay Papshi.
"Pasensya kana Leandra ha? Kung may magagawa lang sana ako anak"
Ngumiti ako ng malungkot.
"Papshi, ayos lang po"
Nilapitan ko ang mga kapatid ko, si Joaquin umiiyak na habang si Leo ay nagpipigil lamang. Alam kong nalulungkot rin yon pero di niya lang pinapakita. He's always been like that. Masyadong magaling magtago ng nararamdam.
Ngumiti ako sa kanila. Kinuha naman ni Mamshi si Jacob kay Joaquin.
"Wag na kayo malungkot" sabi ko sabay haplos ko sa ulo nila. "Mga binata na kayo oh" pagbibiro ko. "Wag kayong magpapasaway kina Mamshi at Papshi ah? Tsaka tatawag naman ako kapag may oras naman, tatawag ako sainyo promise!" ngiti ko.
Naiiyak ako pero di ko lang pinapahalata.
"Mamshi, Paps sasakay na po ako sa bus" pagpapaalam ko.
Tumango lamang sila at isa-isa ko silang niyakap.
"Mag-iingat ka roon ah?" bilin ni Papshi.
Tumango ako.
"Pag nay ginawa ang mga amo mo na masama sayo, umuwi ka kaagad dito ha"
Tumango ulit ako kay Mamshi.
"Sige na po. Alis na po ako, mag-iingat rin po kayo dito ah" ani ko.
Niyakap nila ako ulit at tsaka umakyat na rin ako sa bus.
Umupo ako sa may malapit sa bintana. Tanaw na tanaw ang pamilya ko na nalulungkot sa pag-alis ko.
Kumaway lamang ako at ngumiti, hindi pinapakita na naiiyak ako.
Umandar na ang bus at unti-unti na rin nawala sa paningin ko ang pamilya ko.
Doon na lamang bumuhos ang luha ko.
Pamilya ko. Ang pamilya kong nakasama ko sa loob ng halos labing-walong taon, mawawalay ako sa kanila ng ganon-ganon lang. Nakasama ko sila sa lahat ng lungkot at saya maghirap man kami alam kong nandyan pa rin sila para sa akin. Kami-kami lang din ang magtutulungan. Naisip ko, kahit wala kaming pera basta't magkakasama kami ay sapat na yon sa akin, pero sadyang hindi lang sa ganitong pagkakataon dahil may mga kapatid rin ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/225357517-288-k657736.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...