Goodbye, Leandra
*
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at isang tao lang nasa isip ko ngayon na makakatulong sa akin. Tatawagan ko na sana siya kaso naunahan niya ako.
*I've been calling you a couple of times! Hindi ka sumasagot but anyways, happy birthday, love* masiya niyang tugon.
"Ky.." hikbi ko.
Nanahimik siya ng ilang saglit na para bang sinusuri niya ako.
*Why.. are you crying?*
"Gusto ko ng umalis Ky.. nasasaktan na ako.."
I inhale a large amount of air para mahimasmasan ang pakiramdam ko. Alam kong sobrang pabigat na ako kay Kyla at natatakot akong tumawag kay Mamshi. Kinain ko na lahat ng pride ko ngayon dahil alam kong si Kyla lang ang makakaintindi sa akin.
*Text me the address. Pupuntahan kita,*
Tumango ako kahit na hindi niya naman ako nakikita bago ko pinatay ang cellphone ko. Akmang tatayo na sana ako ng maramdaman kong may humawak sa mga braso ko at tuluyan akong tinulungan na maka'ahon.
"Kitty.." mahina kong tugon.
Hindi siya nagsalita pero inabutan niya ako ng isang bottled water at agad ko namang tinanggap iyon. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ni Kitty pero alam kong seryoso siya ngayon.
"Pasok na tayo," aniya.
Agad ko naman siyang pinigilan. Ayokong sumama sa loob hindi dahil ayokong makita si Nica. Ayoko dahil sa ibang kadahilanan.
"Umalis si Sir Nathan," dagdag pa niya.
Bahagya akong tumango at sumama sakanya. Sa bawat pag-apak ng mga paa ko sa loob, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Mas lalo lang akong nakokonsensya sa lahat ng bagay.
Pagpasok ko sa loob ng isang kwarto, namataan kong silang lahat na nag-aalalang nakatingin sa akin. Agad akong niyakap ni Manang kaya niyakap ko naman siya pabalik. Nilingon ko si Nica na madaming nakakabit na kung ano-ano sakanya.
"Wala kang kasalanan.. aksidente yun," ani Manang.
Ngumiti ako ng malungkot. Kahit ano pang sabihin nila na wala talaga akong kasalanan dahil aksidente yon, responsibilidad ko pa rin si Nica dahil ako ang huling nakasama niya bago siya maaksidente.
Lumapit ako sa kama ni Nica at hinawakan ang kamay niya. Hindi ko kaya na makita siyang nagkakaganito dahil sa akin. Sana hindi ko nalang talaga siya hinayaan na mag-isa. Ang tanga-tanga ko.
"I'm sorry Nica.."
Naninikip na naman ang dibdib ko at may bumubukol na naman sa lalamunan ko. Hiyang-hiya na ako sa batang to. Sa pamilya nila mismo.
"Please kapit ka lang.."
Wala na akong ibang masabi basta ang nararamdaman ko nagsisisi ako sa lahat. Puro pagsisisi lamang ang nararamdaman ko ngayon. Galit sa akin ang kuya niya kaya bigla ko nalang naisip sina Ma'am Norma at Sir Ethan. Panigardo mas magagalit sila kapag nalaman nila. I want to run.. run from everything. Hindi ako sanay na masaktan na ganito pero kapag ginawa ko iyon, para narin akong tumakbo sa isang krimen na hindi ko naman talaga ginawa.
"Manang.. alam na po ba nina Ma'am Norma at Sir Ethan?" baling ko kay Manang.
Napansin kong wala si Kuya Paeng at Mang Roberto dito sa loob ng kwarto. Si Ate Mina, Kitty at Manang lang ang narito.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Dla nastolatkówWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...